Vice inatake ng matinding takot sa buwis-buhay act ni Ion

Vice inatake ng matinding takot sa buwis-buhay act ni Ion sa Magpasikat

Ervin Santiago - October 24, 2024 - 12:55 AM

Vice inatake ng matinding takot sa buwis-buhay act ni Ion sa Magpasikat

Vice Ganda at Ion Perez kasama ang iba pang hosts ng It’s Showtime

MATINDING takot ang na-feel ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda habang nagpe-perform ang asawamg si Ion Perez para sa “Magpasikat 2024” ng “It’s Showtime.”

Buwis-buhay din kasi ang ipinamalas na performance ni Ion sa naturang segment kasama ang kanyang mga ka-teammates na sina Vhong Navarro, Darren Espanto, at Amy Perez o Team VIDA.

Naganap ang pasabog na production number ng grupo kahapon, October 23, kung saan ipinakita ng Team VIDA ang kani-kanilang talento at may tema tungkol sa pagpapahalaga sa pamilya.

“Congratulations. Grabe nu’ng pinapanood ko kayo, sobra ‘yung kaba ko at takot ko kasi…baka manalo kayo!” ang simulang punchline ni Vice nang magbigay siya ng reaksyon sa naging performance ng kanilang kalaban.

Baka Bet Mo: Sanya mas nahihirapan sa dami ng lengguwaheng kailangang i-memorize sa ‘Urduja’ kesa sa buwis-buhay na action scenes

Kasunod nito, tinanong nga ng kanyang mga co-hosts si Vice kung ano ang naramdaman niya sa buwis-buhay performance ni Ion lalo na na nang gumamit ito ng moving panel sa ere.

“Siyempre nakakatakot ‘di ba? And I’m just very proud of him because he has worked so hard for this.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by It’s Showtime (@itsshowtimena)


“Kasi hindi naman talaga siya performer e, pero ibinibigay niya ‘yung makakayanan niya para makapag-contribute sa grupong ito.

“At lahat ng kaya mong ibigay at ang ibinibigay mo, nakikita namin ‘yon ng mga nagmamahal sa ‘yo. Sapat ‘yon, na-appreciate namin, at ikinamamahal namin sa ‘yo,” sabi pa ni Vice habang nakatingin sa kanyang asawa.

Pinasalamatan din ni Vhong ang kanyang kagrupong si Ion dahil talagang tinodo nito ang effort at hindi sumuko sa mga challenges.

“Sa totoo lang, nagpalit ng act si Ion, dapat hindi ‘yan ang gagawin niya. Kaya lang, sabi niya, hindi kaya sa ngayon kasi mahihilo siya sa gagawin niya.

“So gumawa tayo ng paraan para…at least napaganda e, mas maganda nga actually. Salamat ‘tol dahil hindi ka sumuko.

“Akala ko ba-backout na e, pero salamat tinuloy mo ‘yung laban. Ibig sabihin, gusto mo talagang Magpasikat para sa 15th year natin,” mensahe ni Vhong kay Ion.

Hindi lang si Vice at ang kanyang mga co-hosts ang bumilib kay Ion pati ang direktor na si Direk Rory Quintos.  Nakitaan daw niya ang partner ni Vice ng potensyal bilang aktor.

“Ion, what a surprise. Ngayon lang kasi kita nakita and, of course, you’re very fit so you were able to do all those moves.

“But what really surprised me, aside from here, you should explore acting, seriously. I know you’re already acting and taking on roles pero kino-close up ka kasi dito e.

“So nako-close up ‘yung mga mata mo, kargadong-kargado. Sabi ko, ‘Ah, meron.’ Ang batang ito, meron.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“If I’m looking for a new guy and If I make a comeback, ika-cast talaga kita. May karga kasi ‘yung mga mata, e. So I think that if you seriously explore acting, you will do very well,” papuri pa ng direktor kay Ion.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending