Sanya mas nahihirapan sa dami ng lengguwaheng kailangang i-memorize sa ‘Urduja’ kesa sa buwis-buhay na action scenes
BUKOD sa mga buwis-buhay na fight scenes at action stunts, super challenging din para sa ilang cast members ng Kapuso action-fantasy series na “Mga Lihim ni Urduja” ang paggamit ng iba’t ibang lengguwahe.
Aminado ang lead stars ng naturang GMA series, kabilang na si Sanya Lopez, na mas nahihirapan pa silang magkabisado ng kanilang script kesa sa pagsabak sa maaaksyong eksena.
Si Sanya ang gumaganap na Urduja sa serye at kailangan niyang magsalita ng iba’t ibang language para sa kanyang mga eksena, kabilang na ang Arabic at Chinese at Mongolian.
View this post on Instagram
“Mas mahirap yung aralin e, ‘yung language talaga ‘yung mas mahirap. Mas okey pa ‘ko na (sipa)-sipain na lang,” ang pahayag ng dalaga sa panayam ng GMA.
Bukod kay Sanya, ang iba pang miyembro ng cast ng “Mga Lihim ni Urduja” na kailangang karirin ang kanilang mga dialogue sa ibang wika ay sina Yasser Marta, bilang Ibn Battuta (Arabic) at Rodjun Cruz, as Min Feng (Chinese).
Baka Bet Mo: Kylie dumami ang trabaho mula nang makipaghiwalay kay Aljur, mas naging close pa raw kay Vin dahil sa ‘Urduja’
Sabi ni Yasser, “Isa ‘yun sa mga nakakaubos ng oras talaga namin, ‘yung pagmememorize ng lines, and siyempre, hindi rin biro.”
Para naman kay Rodjun, “Kapag walang taping, inaaral ko mabuti and ‘yung coach ko, sinesendan niya ako ng videos.”
Samantala, nang dahil sa matitinding fight scenes nila sa “Urduja”, hindi maiiwasang magkasakitan si Sanya at ng nakakalaban niya sa mga eksena, kabilang na ang gumaganap na Dayang Salaknib na si Rochelle Pangilinan.
View this post on Instagram
“’Yung sipa kanina, naging totoo. Okey naman ako, tuloy lang. Minsan gusto ko ‘yung tinatamaan para hindi ka nauuna (sa reaction),” sey ni Sanya.
Nabanggit pa niya ang pagbalik ng kanyang knee injury na nawala na noon dahil sa matinding training na ginagawa nila para sa mga buwis-buhay na action scenes.
“Nawala na siya before pero bumabalik siya kasi syempre marami tayong mga eksena, marami tayong mga fight scenes, so sabi ko, ‘Konting tiis lang, fight pa rin dapat,’” sabi pa ni Sanya.
Sey naman ng dating leader ng SexBomb Girls na si Rochelle, kapag nasa eksena na raw sila ay hindi na nila mapipigilan o makokontrol ang totoong pisikalan.
Chika ng aktres at dancer, malaking tulong din ang background niya sa pagsasayaw bilang member ng SexBomb Girls sa pag-memorize ng fight choreography.
“Sa pagsasayaw, nagkakabisa ka ng steps. Ganu’n din siguro sa mga routine dito, yun nakakatulong, tsaka yung timing, so mas madali mo siya makakabisado kesa wala kang ganu’ng background,” pahayag ni Rochelle.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.