Kylie dumami ang trabaho mula nang makipaghiwalay kay Aljur, mas naging close pa raw kay Vin dahil sa 'Urduja' | Bandera

Kylie dumami ang trabaho mula nang makipaghiwalay kay Aljur, mas naging close pa raw kay Vin dahil sa ‘Urduja’

Ervin Santiago |February 21,2023
facebook
share this

Kylie dumami ang trabaho mula nang makipaghiwalay kay Aljur, mas naging close pa raw kay Vin dahil sa ‘Urduja’

Ervin Santiago - February 21, 2023 - 07:36 AM

Kylie dumami ang trabaho mula nang makipaghiwalay kay Aljur, mas naging close pa raw kay Vin dahil sa 'Urduja'

Kylie Padilla

IN FAIRNESS kay Kylie Padilla, mula nang maghiwalay sila ng kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica ay hindi na siya napahinga sa pagtatrabaho.

Talagang sunud-sunod ang mga acting projects niya sa GMA 7 bukod pa yan sa nga nagawa niyang mga pelikula nitong nagdaang taon.

Komento nga ng mga fans ng Kapuso actress at celebrity mommy, kung gaano raw ka-busy si Kylie sa kanyang work ay siya namang tahimik ng career ni Aljur na kailan lang ay umamin na ngang magdyowa na sila ni AJ Raval.

Pagkatapos nga ng successful comeback ni Kylie sa pamamagitan ng hit Kapuso primetime series na “Bolera”, bibida uli siya sa fantasy-action drama na “Mga Lihim ni Urduja.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica)


Makakasama ng aktres sa seryeng ito ang mga “Encantadia” sisters niyang sina Sanya Lopez at Gabbi Garcia. Ito ang papalit sa top-rating Kapuso series na “Maria Clara at Ibarra” na magtatapos na sa darating na Biyernes.

“I am so glad to reunite with both Sanya and Gabbi. Naging maganda agad ang bonding namin sa taping ng aming show at panay ang kuwentuhan namin.

“And we’re all enjoying the show kasi we’re doing lots of action scenes this time,” kuwento ni Kylie sa naganap na presscon ng “Mga Lihim ni Urduja” kamakailan.

Tulad din ng “Maria Clara at Ibarra”, ang tema ng historical-fantasy drama na ito ay may koneksyon sa lumang panahon at sa present world.

Iikot ang kuwento ng serye kay Princess Urduja (Sanya), na isang legendary warrior princess na nabuhay noong pre-colonial period sa Pangasinan. Ayon sa alamat, may naiwang mahiwagang kuwintas si Urduja na may mga bato at pinaniniwalaang may taglay na kapangyarihan o anting-anting.

Ang paghahanap sa mga nasabing hiyas ni Urduja ang magiging misyon ni Kylie na isang baguhang pulis at ni Gabbi Garcia na gumaganap naman bilang isang kikay na jewelry designer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kylie Padilla Believers Official (KYLIEvers) (@kylievers_)


Ngunit hindi nga magiging madali ang paghahanap nila sa mga hiyas ni Urduja dahil hindi lamang sila ang may interes dito kundi pati na rin ang mga bounty hunters na handang gawin ang lahat para mapasakamay nila ang kuwintas — kabilang na ang pumatay.

“I feel so proud to be part of a show that aims to show the heroism of an amazing female warrior like Hara Urduja,” pahayag ni Kylie.

“First time kong gumanap bilang isang pulis and I love it. As Gem, I’m supposed to be a distant descendant of Urduja.

“What I like in her is her being a strong woman, and my character, si Gem, strong din ang character niya and she became a policewoman to be able to help and protect other people, specially women and children in need,” aniya pa.

Samantala, ayaw nang makialam ni Kylie sa relasyon nina Aljur at AJ, na lantaran na ngang umamin sa kanilang relasyon. May chika pa nga na may anak na rin daw ngayon ang dalawa kaya may nang-uurot sa kanya na kasuhan ang magdyowa.

“I am just happy for everybody. When everybody is happy, that is what’s important. Seriously, di ba, kapag dumarating ang some sort of depression to anyone, just being happy is already a blessing.

“So, it’s no joke, I’m just happy that everyone’s finding their own happiness,” sey ng aktres.

Kasama rin sa cast ng “Mga Lihim ni Urduja” ang utol ni Aljur na si Vin Abrenica kaya natanong si Kylie kung kumusta sila ng aktor ngayong wala na sila ng kapatid nito.

“We’re okay. Wala naman kaming problema ni Vin, e. Feeling ko nga, naging mas close kami now that we are in the same show.

“Nagkakasama kami with our own kids, so panoorin nyo ang ‘Mga Lihim ni Urduja’ kasi maganda rin ang role ni Vin doon at maganda ang twist sa story,” chika ng Kapuso star.

Kylie sa pag-amin nina Aljur at AJ sa kanilang relasyon: ‘No joke, I’m just happy that everyone’s finding their happiness already’

‘Encantadia’ sisters Sanya, Gabbi at Kylie muling magsasama-sama sa ‘Mga Lihim ni Urduja’, Glaiza may solo project sa GMA ngayong 2023

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vin kay Sophie: Naka-short shorts, nakataas ‘yung legs na parang, ‘Uy, nakikitaan ka na ng kaluluwa!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending