Vin kay Sophie: Naka-short shorts, nakataas 'yung legs na parang, 'Uy, nakikitaan ka na ng kaluluwa!' | Bandera

Vin kay Sophie: Naka-short shorts, nakataas ‘yung legs na parang, ‘Uy, nakikitaan ka na ng kaluluwa!’

Ervin Santiago |March 16,2021
facebook
share this

Vin kay Sophie: Naka-short shorts, nakataas ‘yung legs na parang, ‘Uy, nakikitaan ka na ng kaluluwa!’

Ervin Santiago - March 16, 2021 - 09:34 AM

DIRETSAHANG sinabi ng bagong panganak na si Sophie Albert na unang tingin daw niya kay Vin Abrenica ay “mayabang” at “feelingero.”

Nu’ng una raw silang magkakilala siyam na taon na ang nakararaan, ay nayabangan daw agad ang Kapuso actress kay Vin.

Una silang nagkasama ng Kapamilya hunk actor sa reality talent search ng TV5, ang “Artista Academy” noong 2012.

Sa latest vlog ng engaged couple, nag-share sila ng ilang detalye tungkol sa kanilang love story kabilang na nga ang first impressions nila sa isa’t isa. Kinunan ito bago pa isilang ni Sophie kahapon, March 15, ang kanilang baby girl.

“First impression ko kay Vin was that he was mayabang,” simulang kuwento ni Sophie.

“Kasi, one is that nu’ng Artista Academy, siguro kung merong isang contestant doon that got the most attention, siya talaga ‘yun. Like, from everybody.

“He was like the big deal there because… lahat parang bulung-bulungan na, ‘Oh my God, si Vin Abrenica. Kapatid ‘yun ni Aljur (Abrenica),’ ganyan,”

“I don’t know, parang feeling ko lang sa kanya na parang ang presko naman nito. F na F (feel na feel) niya ‘yung attention sa mga girls. He really liked the attention kasi maraming nagkaka-crush sa kanya sa ‘AA’,” lahad ni Sophie.

Depensa naman ni Vin, “Hindi ko naman maide-deny talaga ‘yun na I had a lot of attention, kasi nu’ng nakapila pa lang ako, may nakatutok na sa aking camera.

“So conscious ako na, ‘F*ck, ang laki ng pressure sa akin kasi, oh my God, alam na nilang kapatid ko si Aljur. Ikukumpara nila ko,’” aniya pa.

Inilarawan naman ni Vin si Sophie noon bilang “careless”, “Artista Academy, first impression ko sa kanya hindi siya marunong mag-alaga ng sarili niya.

“Siya ‘yung tipo ng babae na parang, nakabalagbag lang kahit saan. Sa sobrang dami namin doon, alam mo ‘yung parang nakahandusay sa speakers, nakahiga.

“Alam ko she’s just trying to be comfy, nananahimik lang siya, she’s on her phone. Eh, naka-short shorts. Alam mo ‘yung nakataas ‘yung legs na parang, ‘Uy! Nakikitaan ka na, nakikitaan ka na ng kaluluwa,'” chika ng aktor.

“Until nalaman ko nga nu’ng naging magkaibigan tayo na, ‘oh my God! Kailangan niya ng taong mag-aalaga sa kanya,” pahayag pa niya. And the rest as they say, is history na!

Ito naman ang message ni Vin kay Sophie, “I’m super thankful for you kasi right now, you’re carrying our child and you’re going through all the changes in your body. Especially before ka naging pregnant, we were at our peak, eh.

“Nasa peak tayo, like our fitness, super thin, kundisyon tayo, and you’re willing to sacrifice lahat ng changes na mangyayari sa ‘yo. Even for your career kasi maho-hold kasi you got pregnant.”

Aniya pa, “I’m thankful for that na this woman is strong, and hindi ko ma-imagine if that happens to me… Nakikita ko sa iyo na even when you’re sleeping, you snore now. I see that also as a change in you, na you’re going through that, building our child. So ‘yun sa akin. Super thank you.”

Sey naman ni Sophie, “Me naman, I’m most thankful about Vin. I always wanted somebody who I could depend on and Vin is really the one person that I could really depend on for anything.

“He wants to be involved. He wants to be part of my everything. I know it’s not the easiest thing to find somebody who’s like a perfect match with you.

“Pareho kami ng trip, pareho kami ng mga gusto. Like even now, doing YouTube, I don’t have to do it alone, I’m with him,” pahayag ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag ni Sophie, “So parang everything, I don’t ever feel like I have to face everything alone. It gives me a lot of strength and a lot of confidence and I feel like who I am becoming now is really because of my relationship with you.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending