Kylie sa pag-amin nina Aljur at AJ sa kanilang relasyon: 'No joke, I’m just happy that everyone’s finding their happiness already' | Bandera

Kylie sa pag-amin nina Aljur at AJ sa kanilang relasyon: ‘No joke, I’m just happy that everyone’s finding their happiness already’

Ervin Santiago - February 16, 2023 - 07:33 AM

Hirit ni Kylie sa pag-amin nina Aljur at AJ sa kanilang relasyon: 'No joke, I’m just happy that everyone’s finding their happiness already'

Kylie Padilla, Aljur Abrenica at AJ Raval

“PLEASE be kind,” ang pakiusap ni Kylie Padilla sa pagsisimula pa lang ng presscon ng latest Kapuso series ng GMA 7 na “Mga Lihim ni Urduja.”

Tila nagparamdam na agad ang aktres sa mga miyembro ng entertainment media na dumalo sa mediacon ng naturang serye dahil nga sa ginawang pag-amin ng kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica na totoong magdyowa na sila ni AJ Raval.

Mismong Valentine’s Day nang ibandera ni Aljur sa kanyang Instagram account ang relasyon nila ni AJ kalakip ang kanilang sweet photo together.

Nag-post din sa IG si AJ ng kaparehong litrato na kuha sa dalampasigan kung saan binati rin nito si Aljur sa pagse-celebrate nila ng Araw ng mga Puso.

“I’ll always give you all the love I have in my heart and love you unconditionally,” ang caption ni AJ sa kanyang post at tinag pa si Aljur.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ☽ k y l i e ♡ (@kylienicolepadilla)


Kaya naman sa presscon ng “Mga Lihim Ni Urduja” ay hindi naiwasang matanong si Kylie tungkol dito.

Unang pasakalye na tanong kay Kylie kung ano sa tingin niya ang nakuha niyang qualities mula sa  legendary warrior princess na si Urduja. Aniya, ang pagiging matapang at palaban nito.

“Kasi si Gem yung character ko rito, gusto niyang tumulong sa mga tao kaya siya naging pulis, kasi gusto niya talagang maging protector ng mga tao.

“Bilang descendant siya ni Urduja, dun niya magagamit ang kapangyarihan ni Urduja, is to help people,” paliwanag pa niya.

Ang sundot na tanong sa aktres, kung naging strong din ba siya sa IG post nina Aljur at AJ, “I’m happy for everybody, and everybody’s happy, and that’s what’s important.”

Ano naman ang masasabi niya sa mga bumabatikos at namba-bash ngayon kay AJ Raval lalo na sa mga tumayawag na “kabit” sa sexy actress?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


Tugon ni Kylie, “I’m happy for everyone. But seriously, di ba? Pag dumadating yung… some sort of depression, just to be happy is a blessing already.

“Talagang, no joke, I’m just happy that everyone’s finding their happiness already,” aniya pa.

Sa tanong naman kung paano niya ipinagdiwang ang Valentine’s Day,  ang mga anak daw niya ang ka-date niya last February 14. Super touched nga raw siya sa Valentine card na gawa ng panganay niyang si Alas.

Ipinost pa ito ni Kylie sa IG kung saan makikita ang message ni Alas sa kanya na, “Dear Mama, I Love You, Valentines.” Ang caption naman ng aktres, “I’m not crying! “You’re crying!”

Kaya ang tanong ng netizens, para kaya ito sa pag-amin nina Aljur at AJ?

‘Encantadia’ sisters Sanya, Gabbi at Kylie muling magsasama-sama sa ‘Mga Lihim ni Urduja’, Glaiza may solo project sa GMA ngayong 2023

Kylie sa pamba-bash kina AJ at Aljur: I wish you guys are more careful, don’t blame it on me

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Roselle Nava nag-react sa version ni Gigi de Lana ng ‘Bakit Nga Ba Mahal Kita’; ‘Urduja’ ng GMA may ‘Alice In Borderland’ feels

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending