Roselle Nava nag-react sa version ni Gigi de Lana ng 'Bakit Nga Ba Mahal Kita'; 'Urduja' ng GMA may 'Alice In Borderland' feels | Bandera

Roselle Nava nag-react sa version ni Gigi de Lana ng ‘Bakit Nga Ba Mahal Kita’; ‘Urduja’ ng GMA may ‘Alice In Borderland’ feels

Ervin Santiago |February 08,2023
facebook
share this

Roselle Nava nag-react sa version ni Gigi de Lana ng ‘Bakit Nga Ba Mahal Kita’; ‘Urduja’ ng GMA may ‘Alice In Borderland’ feels

Ervin Santiago - February 08, 2023 - 07:46 AM

Roselle Nava nag-react sa version ni Gigi de Lana ng 'Bakit Nga Ba Mahal Kita'; 'Urduja' ng GMA may 'Alice In Borderland' feels

Gigi de Lana at Roselle Nava

LOOKING forward ang OPM artist at dating public servant na si Roselle Nava na maka-duet si Gigi de Lana with her super hit hugot song na “Bakit Nga Ba Mahal Kita”.

Ayon kay Roselle, bilib na bilib siya sa galing ni Gigi bilang isang biriterang singer kahit pa noong hindi pa nito kinakanta ang signature song niya na naging “national anthem” na ng mga nabibigo sa pag-ibig.

“I am hoping that there will be a chance for us to meet each other and to be able to sing that song,” ang pahayag ni Roselle bago magsimula ang presscon ng  upcoming Valentine concert na “All Heart.”

“Yung versions namin medyo magkaiba. Pero madadama mo pa rin ‘yung sakit and binigyan niya ng ibang kulay ‘yung song na iyon. I’m happy that she was able to do that,” papuri pa ni Roselle kay Gigi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝐆𝐈𝐆𝐈 (@gigidelanaofficial)


Dagdag pang pahayag ni Roselle, “Even before she sang that song, ito ah walang showbiz, noong narinig ko siya, nagalingan ako sa kanya. Pinanood ko siya sa YouTube. Sabi ko nga ‘Ang galing naman ng artist na ‘to.’”

“Nagulat ako kasi ‘yung mga bata ngayon nalaman ‘yung kanta ko through her. And I am happy na nabigyan niya ng buhay ulit ang aking kanta.

“To be able to touch them that way na parang hanggang ngayon, my music still continues to live on.

“Sobra akong fortunate and thankful that God gave me a chance to be able to share my talent, my music hindi lang noong time na active ako but still now natutuwa ako,” sabi pa ni Roselle Nava.

* * *

Usap-usapan at umani ng papuri mula sa netizens ang unang pasilip sa mythical mega serye ng GMA Network, ang “Mga Lihim ni Urduja.”

Inilabas na ang teaser sa social media accounts ng GMA Drama. Kitang-kita ang ganda ng visuals, kakaibang kwento, at star-studded cast na pinangungunahan ng Encantadia Sang’gres na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez.

Iikot ang istorya nito sa paghahanap nina Crystal (Gabbi) at Gem (Kylie) sa mga nawawalang hiyas na pinaniniwalaang pag-aari ni Hara Urduja (Sanya Lopez).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl)


May libu-libong views na ang nasabing teaser in less than 24 hours. Marami rin ang nagsabi na mala-foreign series ang quality nito.

Say ng isang netizen, “Lakas maka-Alice in Borderland! Gandaaa astig talaga ng GMA! Naglevel-up na talaga ang GMA! Iba talaga sobrang napakalayo na ng mga nagagawa nila.”

Bukod sa reunion nina Kylie, Gabbi, at Sanya, dapat ding tutukan sa seprye ang pagsasama-sama nina Arra San Agustin, Michelle Dee, Kristoffer Martin, Vin Abrenica, Pancho Magno, Jeric Gonzales, Rochelle Pangilinan at Zoren Legaspi.

Abangan ang “Mga Lihim ni Urduja” ngayong Pebrero na sa GMA Telebabad.

Roselle Nava, Raymond Lauchengco, Ito Rapadas, Wency Cornejo kanya-kanyang hugot sa usaping ‘love’

‘Encantadia’ sisters Sanya, Gabbi at Kylie muling magsasama-sama sa ‘Mga Lihim ni Urduja’, Glaiza may solo project sa GMA ngayong 2023

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kelvin Miranda, Kira Balinger in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram matapos ang isyu ng ‘cheating’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending