Kylie sa pamba-bash kina AJ at Aljur: I wish you guys are more careful, don’t blame it on me | Bandera

Kylie sa pamba-bash kina AJ at Aljur: I wish you guys are more careful, don’t blame it on me

Ervin Santiago |October 25,2021
facebook
share this

Kylie sa pamba-bash kina AJ at Aljur: I wish you guys are more careful, don’t blame it on me

Ervin Santiago - October 25, 2021 - 01:44 PM

AJ Raval, Kylie Padilla at Aljur Abrenica

GUSTONG kausapin ni Kylie Padilla ang bagong karelasyon ngayon ni Aljur Abrenica na si AJ Raval na binabanatan din ngayon ng bashers sa social media.

Marami ang tumira at nangnega kay AJ matapos niyang i-post sa kanyang social media account ang “breaking silence” pasabog ni Aljur laban sa kanyang estranged wife na si Kylie.

Agad namang nag-sorry si AJ kay Kylie sa kanyang ginawa at nangakong mas magiging maingat sa mga gagawin niyang desisyon in the future.

Sa nasabing post ni Aljur, diretsahang hinamon ng hunk actor ang Kapuso actress na aminin na sa publiko kung sino talaga sa kanilang dalawa ang unang nangaliwa o nagloko.

Sinagot naman ito ni Kylie sa panayam ni Jessica Soho kagabi at ipinagdiinang hindi siya nanlalaki o nangaliwa habang nagsasama pa sila ni Aljur bilang mag-asawa.

“In my defense, while we were formally married, I never had any extramarital relationships with other men. That is my truth and that’s what they keep throwing at me,” depensa ng aktres.

Sa isang bahagi ng panayam, natanong nga si Kylie kung ano ang reaksyon niya sa pagkakasangkot ni AJ Raval sa paghihiwalay nila ni Aljur.

“I actually wanted to talk to her kasi napagdaanan ko rin ‘yan, yung bina-bash ako dahil nililigawan ako.

“I wanted to talk to her to help her out on how to handle it para maiwasan lang yung nangyari ngayon. But my help’s not being asked so I will not give it na lang,” aniya.

Dagdag pang chika ng anak ni Robin Padilla, “I totally understand kung doon sila nanggagaling kasi siyempre, siya yung bagong nililigawan, e. Naba-bash na sila.

“I’ve been on that side and I know how scary and confusing and sobrang nakakasira siya ng mental health, di ba?

“But I wish na iningatan na lang nila. They can’t blame me for that too because we had an agreement din that we can both see other people.

“I wish you guys are more careful. Don’t blame it on me,” matapang pang pahayag ng aktres.

Samantala, napag-usapan din sa interview ni Jessica ang biglang pagbubuntis noon ni Kylie sa panganay nila ni Aljur na naging dahilan kaya kinailangan niyang iwan ang mas bumobongga pang showbiz career.

Taong 2017 nang mabuntis siya kay Alas Joaquin at ginagawa nga niya that time ang remake ng “Encantadia”. Mas pinili niyang mag-resign na sa serye para sa kanyang pagdadalang-tao.

Kaya sa tanong ni Jessica na, “Was Aljur worth it?” tugon ni Kylie, “We were so good during that time. Sobrang ‘yon yung pinaka the best times ng relationship namin because we’ve been together for ten years and married for three.

“Pero noong mga time na yun, inalagaan niya talaga ako. Na-appreciate ko siya as a husband, as a person, lalo na during those days,” paliwanag niya.

“Ayaw ko kasing gawing negative lahat, e. There were good moments din naman, e. And I don’t want to throw them away kasi kahit paano, in my kids, there is still a part of their dad.

“I want to see their dad in a good way para, di ba, kapag nakikita ko yung mga anak ko, ‘Uy, tatay niyo yun, you should be proud,’” katwiran pa ng single mom.

Kylie nakamove-on na nga ba kaya walang pake kina Aljur at AJ?

Pag-amin pa niya sa naranasang sakit at sakripisyo noong nagsasama pa sila ni Aljur hanggang sa maghiwalay na nga sila, “I suffered in silence, e. I suffered really bad in February which is why nakapag-post ako.

“Ayokong mag-stay doon sa suffering and pain and hate kasi lahat ‘yan dinaanan ko—naglasing ako, lahat ng ginagawa ng nagmu-move on, I did it. But I did it in private para hindi sila (mga anak) gagaya,” chika ni Kylie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito naman ang message niya kay Aljur, “Huwag nating kalimutan to be parents sa mga anak natin and sana, ma-save pa natin yung friendship after this.

“Kung gusto nating mag-away or whatever, let’s do it in the right place, huwag na sa public. Yun lang hinihingi ko, please,” pagtatapos ng Kapuso star.

Kylie naubos raw ang savings; Aljur may utang pa kay Kylie?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending