Jane de Leon buwis-buhay ang action scenes sa Darna, naaksidente sa taping: Pagluhod ko may maliit palang pako | Bandera

Jane de Leon buwis-buhay ang action scenes sa Darna, naaksidente sa taping: Pagluhod ko may maliit palang pako

Reggee Bonoan |August 14,2022
facebook
share this

Jane de Leon buwis-buhay ang action scenes sa Darna, naaksidente sa taping: Pagluhod ko may maliit palang pako

Reggee Bonoan - August 14, 2022 - 06:02 PM

Jane de Leon

HANGGANG ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang pagtatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” pagkalipas ng pitong taong pamamayagpag sa ere.

Nagtapos na nga ang action serye ni Coco Martin na nagtala ng rating na 47.2% at nakakuha ng 536,543 concurrent viewers nitong nagdaang Biyernes, Agosto 12.

Ang kapalit ng “FPJAP” ay ang “Darna” ni Jane de Leon na umaming abut-abot na ang kaba ngayong lilipad na siya sa wakas.

“Siyempre nakaka-tense kahit sino naman ang pumalit doon mahihimatay ka!” ang pagtatapat ni Jane sa panayam nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Dyosa Pockoh sa kanilang “Showbiz Update” vlog para sa YouTube channel nila na in-upload nitong Biyernes.

Kung nate-tense si Jane kasama na ang buong cast ng “Darna” isama pa ang production ay nae-excite naman ang lahat ng nag-aabang ng programa na more than 70 years nang binigyang-buhay ni Mars Ravelo base sa pahayag ng anak niyang si Ricky Ravelo sa nakaraang grand mediacon ng “Darna.”

Matindi ang hirap na pinagdaanang paghahanda ni Jane para sa karakter niya kaya talagang apektado siya sa mga nababasa at naririnig niyang hindi siya bagay o wala siyang dating bilang Darna.

“Thankful ako sa bashers kasi naging mas strong ako as a person. Kailangan din nating tatagan ang ibinibigay nilang sakit sa puso (pakiramdam),” sambit ni Jane.

Ipinakita sa vlog ang video clips ng ilang paghahandang ginawa ni Jane, nariyang nagbubuhat siya ng barbell, tamang pagsuntok at pagsipa.

“Madugo itong training mo ha,” sabi ni Ogie.

View this post on Instagram

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)


“Hindi ka ba kinabahan sa mga action scenes mo kasi buwis-buhay base sa nakikita natin sa trailer,” say naman ni Mama Loi.

Oo nga, ipinakita ang pagtalon ni Jane sabay baligtad.

“Oo, madugo talaga ang mga actions scenes mga mama. Kung alam n’yo lang ang daming nangyari sa akin,” sagot ng aktres.

Inamin ding naaksidente siya dahil namali siya ng posisyon, “Pagluhod ko may maliit na pako.” Na ikinagulat nina Ogie at Mama Loi.

Dagdag pa ni Jane, “Para sa akin panoorin muna nila ang Darna para ma-appreciate nila ‘yung karakter ko.”

Nabanggit pa na mangiyak-ngiyak si Jane nang isuot na niya ang helmet ni Darna na inihambing pa sa isang korona at mas lalo pa nang isuot na niya ang costume.

Samantala, inamin ni Jane kung sino ang crush na crush niyang aktor, “Alam naman po niya dati pa, si Paulo Avelino.”

Nag-react to the max si Dyosa Pockoh kasi mahal na mahal niya si Paulo at akmang sasakalin si Jane na ikinagulat ng aktres.

Bakit nga ba crush ng dalaga si Pau? “Si Paulo kasi given naman na pogi siya. Sobrang na-attract at nagustuhan ko siya kasi napakagaling niyang artista. Siya dapat ang leading man ko sa isang movie kaso hindi natuloy.”

Ano naman ang naging reaction ni Paulo nang malamang crush siya ni Jane, “Wala charming lang siya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Darna” bukas, Agosto 15 sa Kapamilya channel, A2Z, TV5 at iWantTFC handog ng JRB Creatives at idinirek nina Benedict Mique, Avel Sunpongco at Chito Roño.

Jane de Leon umamin: Sa totoo lang po, hindi ko rin alam kung bakit ako ang napiling Darna

Jane de Leon handang-handa nang makipagbakbakan kay Janella Salvador sa Darna: Magtutuos na kami!

Joshua umamin na sa tunay na relasyon nila ni Jane: Mabait siya, maganda, matalino…napakagaan niyang kasama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending