Kung hindi nag-artista si Kylie isa siyang sniper; tinuruan ni Robin na pumutok para sa 'Urduja' | Bandera

Kung hindi nag-artista si Kylie isa siyang sniper; tinuruan ni Robin na pumutok para sa ‘Urduja’

Ervin Santiago |February 28,2023
facebook
share this

Kung hindi nag-artista si Kylie isa siyang sniper; tinuruan ni Robin na pumutok para sa ‘Urduja’

Ervin Santiago - February 28, 2023 - 09:48 AM

Kung hindi nag-artista si Kylie isa siyang sniper; tinuruan ni Robin na pumutok para sa 'Urduja'

Robin Padilla at Kylie Padilla

TALAGA namang matatawag na very supportive tatay si Sen. Robin Padilla sa kanyang anak na si Kylie Padilla sa kabila ng pagiging busy nito sa pagtatrabaho.

In fairness, talagang naglaan ng panahon ang senador para makapag-bonding sila ni Kylie at maturuan itong bumaril para sa bago nitong mythical primetime mega serye na “Mga Lihim ni Urduja.”

Gaganap kasing baguhang pulis si Kylie sa nasabing Kapuso series na haharap sa isang misyon para hanapin ang mga nawawalang hiyas ni Hara Urduja (Sanya Lopez).

All out ang support ni Robin sa latest project ng anak kaya naman sa pamamagitan ng kanyang social media accounts ay ibinahagi niya ang ilan sa mga kaalaman about the legendary warrior princess na si Urduja na sinasabing nagmula sa Pangasinan.

“Sino ka nga ba, Princess Urduja? Abangan sa teleserye ng GMA 7 Kapuso Channel. Pinagbibidahan ng aking mahal na anak, Kylie Padilla,” ang caption ng senador sa ibinahaging litrato ni Princess Urduja.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ☽ k y l i e ♡ (@kylienicolepadilla)


Sa isang post naman ni Kylie sa Instagram, makikita sila ni Robin na nasa isang shooting range. Sumailim kasi ang aktres sa target shooting training kasama ang ama.

Makikita si Robin suot ang kanyang camo pants, with matching gun belt sa bewang habang naka-all-black OOTD naman si Kylie na action star talaga ang dating. May caption itong, “I missed my dad and I missed firing.”

Mensahe pa ng Kapuso star sa kanyang ama, “Just like when I was a kid. I love you, pa. @robinhoodpadilla.”

Samantala, sinagot naman ni Kylie ang tanong kung ano ang trabaho o propesyon niya ngayon sakaling wala siya sa showbiz.

“If I wasn’t an actress I’d be a sniper,” ang sey ni Kylie kalakip ang litrato ng apat na bala ng baril.

Napapanood na ngayon ang “Mga Lihim ni Urduja” sa GMA Telebabad kung saan kasama rin ni Kylie sina Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Vin Abrenica, Michelle Dee, Arra San Agustin, Kristoffer Martin, Pancho Magno, Zoren Legaspi, Jeric Gonzales at Rochelle Pangilinan.

Robin proud na proud sa pagiging action star ni Kylie; pero hindi payag mag-artista noon ang mga anak

Kylie sa pag-amin nina Aljur at AJ sa kanilang relasyon: ‘No joke, I’m just happy that everyone’s finding their happiness already’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Roselle Nava nag-react sa version ni Gigi de Lana ng ‘Bakit Nga Ba Mahal Kita’; ‘Urduja’ ng GMA may ‘Alice In Borderland’ feels

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending