Barbie ginagaya raw si Sarah, gustong magpasikat kay Richard?

Barbie ginagaya raw si Sarah, gustong magpasikat kay Richard?

Ervin Santiago - June 04, 2024 - 12:30 AM

Barbie ginagaya raw si Sarah, gustong magpasikat kay Richard?

Sarah Lahbati, Richard Gutierrez at Barbie Imperial

TRYING hard nga ba ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial sa panggaggaya sa estranged wife ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati?

Ito’y matapos ngang mapansin ng mga netizens na tila kinokopya ni Barbie ang pananamit at mga ipino-post ni Sarah sa Instagram sa gitna ng pagkalat ng mga chika na nagkakamabutihan na raw sila ni Richard.

Pinagkumpara ng ilang IG users ang litrato nina Sarah at Barbie na parehong nakasuot ng uniform para sa isang culinary school.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez mas bet nga bang mag-focus si Sarah Lahbati sa kanilang anak kaysa magbalik trabaho, true kaya?

Luma na ang post ni Sarah na para sa 11th birthday ng panganay na anak nila ni Richard na si Zion Gutierrez noong April 29, 2024.

Ang nakalagay na caption dito ay, “Part one.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BARBIE IMPERIAL (@msbarbieimperial)


“Happy 11th birthday to my angel, zion. from the moment you were in mom’s tummy, you changed my life for the better.

“I adore you more than words can express, and i pray that God continues to bless and guide you as you blossom into the remarkable young man you are becoming.

“I promise to always be by your side, supporting you every step of the way. love you to the moon and back,” sabi ni Sarah.

Sa comments section ng IG post ng aktres ay may nag-comment na ginagaya raw ni Barbie ang OOTD ni Sarah pati na ang pagpasok nito sa Center for Culinary Arts (CCA).

Baka Bet Mo: Sarah, Richard ‘co-parenting’ sa 2 anak, sey ni Esther Lahbati

Pang-iintriga ng isang netizen, “Parang ginaya ni barbie si sarah sa white dress nya at pati yung culinary. Pero syempre sarah pa din maganda.”

Um-agree naman sa kanya ang isa pang IG user, “True lahat na lng ginagaya kay sarah (laughing emoji) smile, pose, hobby super copycat lol.”

Bukod dito, talagang binato ng masasakit na salita ng netizens si Barbie at karamihan ay nagsabing wala raw siyang binatbat kay Sarah.

Samantala, napakomento rin ang nanay ni Sarah na si Esther Lahbati sa usapan ng mga netizens sa pamamagitan ng pagpo-post ng tatlong laughing with tears emojis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sarah Lahbati (@sarahlahbati)


Ibig sabihin, natatawa ang ina ng aktres sa mga komento ng panggagaya umano ni Barbie sa kanyang anak.

Nauna rito, naging usap-usapan din ang post ni Barbie sa social media last May 30, kung saan ibinahagi niya ang Bible verse mula sa John 16:13 na may konek sa “katotohanan.”

Ipinost ito ni Barbie after niyang magpa-soft launch sa relasyon daw nila ni Richard sa Instagram Story noong May 27. Makikita rito ang initials na “NIV” o “new international version.”

Ang buong post ni Barbie, “Verse of the Day…

“John 16:13 NIV,

“But when he, the Spirit of truth, comes, he will guide you into all the truth. He will not speak on his own; he will speak only what he hears, and he will tell you what is yet to come,” aniya kalakip ang praying hands at white heart emojis.

Sumunod naman dito ang ipinost niyang litrato sa IG noong May 27 na kuha sa loob ng isang gym kung saan makikita ang isang lalaki sa kanyang likuran na kamukha at kasing-katawan ni Richard.

Last May 16 naman ay spotted ding magkasama sina Richard at Barbie sa South Korea. May mga nakakuha ng picture nila together sa may Myeong-dong area, isang shopping destination sa naturang bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hanggang ngayon ay wala pa ring official statement sina Richard at Barbie hinggil sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending