Barbie Imperial ibinandera ang gym bonding nila ni Richard?

Barbie Imperial ibinandera ang gym bonding nila ni Richard Gutierrez?

Therese Arceo - May 29, 2024 - 12:43 PM

Barbie Imperial ibinandera ang gym bonding nila ni Richard Gutierrez?

USAP-USAPAN ngayon ng mga certified Marites kung ano nga ba talaga ang namamagitan sa Kapamilya stars na sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez.

Curious kasi ang mga madlang netizens kung si Richard nga ba ang lalaki na nasa likod niya sa kanyang mirror selfie sa gym na ibinandera niya sa kanyang Instagram story.

Hindi malinaw ang mukha ng naturang lalaki na abala rin sa paggi-gym pero marami sa mga netizens ang nagsasabing mukhang si Richard raw ang lalaki sa larawang ibinandera ni Barbie.

Sa katunayan, may mga nag-post ng naturang Instagram story ng dalaga sa Reddit website na binigyang opinyon ng mga netizens.

Baka Bet Mo: Richard, Barbie spotted na magkasama sa Korea, ano bang tunay na relasyon?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

May ilan sa mga netizens na nagsabi ng kanilang disappointment kay Barbie at sinabing sana raw ay pumili na lang ng iba ang dalaga ng taong walang asawa’r anak.

Hindi kasi ito ang unang pagkakataon na naintriga ang dalawa kung may relasyon nga ba sila.

Noong pumutok ang chikang hiwalay na sina Richard at ang asawa nitong si Sarah Lahbati, may mga kumalat na chika ukol sa pagiging “bantay sarado” ni Barbie sa isang bar sa Alabang.

Ngunit kalaunan ay natalakay ni Cristy Fermin sa kanyang showbiz show na walang katotohanan ang mga kumakalat na balita.

“Sa isang banda, ako’y naaawa naman kay Barbie imperial. Unang- una, wala naman pong katotohanan na may relasyon sila ni Richard.”

Aniya, nagkataon lng raw ang kanilang pagkikita sa naturang bar.

“Umupo lamang po si Richard sa tabi ni Barbie. Wala pong katotohanan na binantayan niya si Barbie hanggang CR. Kalokohan po ‘yun, OA na po yun to the highest degree,” sey pa ni Cristy.

Ngunit hindi pa rin namatay ang isyu sa pagitan ng dalawa dahil may mga netizens na nang-iintriga kung totoo nga bang magkasamang nagbakasyon ang dalawa noong Holy Week dahil parehas raw ang background sa kanilang mga ibinahaging Instagram posts

At ang latest chika ay ang diumano’y magkasamang bakasyon ng dalawa sa South Korea kamakailan.

Unang ipinost ng isang netizen sa kanyang Facebook page noong May 26 ang mga litrato nina Richard at Barbie na may nakasulat na, “Kayo na maglagay ng captions (laughing emoji).”

Sa mismong comments section naman ng kanyang FB post, ikinuwento ng uploader ang pagpapa-selfie niya kay Barbie. Aniya, hindi raw siya nakapagpa-picture kasama si Richard dahil bawal daw silang makunang magkasama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Gusto ko din Sana magpapic ky Boy. Sabi ni girl hindi daw pede mkita silang mgksama..(napaisip tuloy ko Kung ako lng b nkakilala sa knila),” sey ng netizen.

Samantala, wala pa namang pahayag sina Barbie at Richard hinggil sa isyu.

Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw ng dalawa hinggil sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending