Richard, Barbie spotted na magkasama sa Korea

Richard, Barbie spotted na magkasama sa Korea, ano bang tunay na relasyon?

Ervin Santiago - May 26, 2024 - 04:48 PM

Richard, Barbie spotted na magkasama sa Korea, ano bang tunay na relasyon?

PINAGPIPIYESTAHAN ngayon ng mga Marites ang mga litrato nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial na kuha raw sa South Korea.

Base sa mga naglabasang litrato sa social media, spotted ang dalawang Kapamilya stars na namamasyal sa Myeong-dong, na isang kilalang shopping destination sa South Korea.

Unang ipinost ng isang netizen sa kanyang Facebook page ngayong araw, May 26, ang mga litrato nina Richard at Barbie na may nakasulat na, “Kayo na maglagay ng captions (laughing emoji).”

Sa mismong comments section naman ng kanyang FB post, ikinuwento ng uploader ang pagpapa-selfie niya kay Barbie. Aniya, hindi raw siya nakapagpa-picture kasama si Richard dahil bawal daw silang makunang magkasama.

“Gusto ko din Sana magpapic ky Boy. Sabi ni girl hindi daw pede mkita silang mgksama..(napaisip tuloy ko Kung ako lng b nkakilala sa knila),” sey ng netizen.

Baka Bet Mo: Pagtawag ni Annabelle ng bruha kay Sarah, pagboto kay Barbie fake news!

Patuloy na kuwento ng netizen, “Pro mabait si girl nkipag kwentuhan p konte sakin Sabi ko bicolana ang mama ko.

“Ksma din pla si mama nya (anjan po si mama tinuro nya.) Marunong daw ko magbicol savi ko konte lng kz laking manila n ko.

“(Life nila yan kya we respect ung choice nila Lalo n s lovelife).

“As Public figures sila if they keep secret nila dpt hindi s public area…(if ayaw nila ky cristy at ogie),” sabi pa ng netizen na ang tinutukoy ay ang mga batikang showbiz columnist na sina Nanay Cristy Fermin Ogie Diaz.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang official statement sina Richard at Barbie tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Baka naman namasyal sila sa Korea as “friends” lang at nilalagyan lang ng malisya ng mga Marites. Ha-hahaha!

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakitang magkasama sina Richard at Barbie. Matatandaang spotted din sila together sa isang gastropub sa Westgate, Alabang, Muntinlupa City, noong January 6, 2024.

Samantala, sa isang panayam ay dedma lang ang estranged wife ni Richard na si Sarah Lahbati tungkol sa pagli-link sa aktor at kay Barbie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa presscon ng teleserye ni Sarah sa TV5 ba “Lumuhod Ka Sa Lupa” last April 2, natanong ang aktres tungkol kina Richard at Barbie. Ang tanging sagot lang niya ay, “No reaction. NR.”

Kayo dear BANDERA readers, ano’ng feeling n’yo, magdyowa na ba sina Richard at Barbie? O, baka naman NR din kayo?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending