Pagtawag ni Annabelle Rama ng bruha kay Sarah fake news!

Pagtawag ni Annabelle ng bruha kay Sarah, pagboto kay Barbie fake news!

Ervin Santiago |April 11,2024
facebook
share this

Pagtawag ni Annabelle ng bruha kay Sarah, pagboto kay Barbie fake news!

Ervin Santiago - April 11, 2024 - 12:14 PM

Pagtawag ni Annabelle ng bruha kay Sarah, pagboto kay Barbie fake news!

Ruffa Gutierrez, Sarah Lahbati at Annabelle Rama

NABIKTIMA na naman ng nakakalokang fake news ang talent manager at nanay nina Ruffa at Richard Gutierrez na si Annabelle Rama.

Ilang quote cards ang kumalat sa social media nitong mga nakaraang araw na naglalaman ng mga pahayag daw ni Tita Annabelle laban sa estranged wife ni Richard na si Sarah Lahbati.

Isa na rito ang umano’y matapang na pahayag ng asawa ng veteran actor na si Eddie Gutierrez tungkol sa bagong dyowa raw ni Sarah na naispatang ka-date raw nito sa Hong Kong.

Baka Bet Mo: Annabelle sa bonding nina Richard, 2 anak: Haping-happy…hindi na kailangang sabihin

Ang nakalagay sa naturang fake quote card, “Nakikita n’yo! nakita n’yo nakikita n’yo naman yan hindi ko na kailangan pa magsalita.


“Oo may kasama sa hongkong ang bruha,” ang nakasulat pa sa pekeng quote card na ang tinutukoy ay ang nag-viral na litrato ni Sarah na may ka-date raw na foreigner guy sa Hong Kong.

Nauna nang itinanggi ni Sarah na dyowa niya ang naturang lalaki, aniya friend lang daw niya ito pero ipinagdiinan niya na single naman siya ngayon kaya walang isyu kung ma-link man siya sa iba.

Sa isa pang quote card ay mababasa naman na inamin daw ni Tita Annabelle na nagbakasyon si Richard kasama ang aktres na si Barbie Imperial.

Nakasulat pa roon na mas boto raw ang nanay ni Richard kay Barbie at di hamak daw na mas mabait ang dalaga kesa kay Sarah.

Baka Bet Mo: Annabelle Rama, Cristy Fermin nagkabati na nga ba makalipas ang 2 dekada?

Kasunod nito, agad na nag-post ang panganay na anak ni Tita Annabelle na si Ruffa sa kanyang Facebook account para pabulaanan ang naglabasang quote cards.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Annabelle Rama (@annabelleramaig)


“My mom has not uttered a word. Things are peaceful at the moment. Let’s keep it that way,” ang paglilinaw ni Ruffa.

Marami naman ang nagkomento sa post na iyon ng aktres. Narito ang ilan.

“I pray for the whole family well, kasama na nanay ng mga pamangkin mo Ruffa who is working so very hard na din to show her strength for her kids.”

“Ok ate po tnx you to lord po ate I love you .to all and alys good po to my hubands  Richard  po love me so much po I give me po respect to my. Family’s Guttires po. Ok.”

“Tnx ate. Mannys blsing po. I’m love you po ate. Gusto ko sa family’s Guttires po bsata po hwag  niyong po  pababayan po ate.”

“Tapos yung iba kung maka comment kala mo kung sino, di muna inaalam kung fake ba o hindi yung mga nababasa, di nila alam na madali lang mag edit ngayun, kaya ako mas naniniwala ako pag binalita sa national tv. kesa dito sa social media.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“LODI Ruffa…dapat lang ipagtanggol si madam Annabel i meet you guys personally mabait kau mginah.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending