Annabelle beast mode uli: Gusto kung manampal at manabunot!

Annabelle Rama beast mode na naman: Gusto kong manampal at manabunot!

Ervin Santiago |February 28,2024
facebook
share this

Annabelle Rama beast mode na naman: Gusto kong manampal at manabunot!

Ervin Santiago - February 28, 2024 - 12:47 PM

Annabelle Rama beast mode na naman: Gusto kung manampal at manabunot!

Eddie Gutierrez at Annabelle Rama

BEAST mode na naman ang talent manager na si Annabelle Rama matapos ibandera ang galit niya sa taong tinawag niyang “santa maniac.”

Gigil na gigil at super imbiyerna ang nanay nina Richard at Ruffa Gutierrez sa tinutukoy niyang personalidad na nagmamalinis na akala mo’y kung sinong santa.

Dahil sa tindi ng kanyang galit, gusto raw ni Tita Annabelle na manakit, “Napaka init ng ulo ko ngayon oras na ito.

Baka Bet Mo: Pokwang ‘beast mode’ sa mga anti-Leni: Hindi ako takot mawalan ng followers, takot akong mawalan ng dangal!

“Gusto kong manampal at manabunot ng tao nag mamalinis akala mo kung sinong santa maniac.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Annabelle Rama (@annabelleramaig)


“Abangan nyo bukas ang kwento ko,” ang nakakalokang chika ng matapang at palabang misis ng veteran actor na si Eddie Gutierrez.

Walang anumang clue na ibinigay si Tita Annabelle tungkol dito kaya naman talagang abangers ang mga netizens sa magiging pasabog niya ngayong araw tulad ng kanyang promise.

Ang tanong, may kinalaman pa rin kaya ito sa paghihiwalay ng kanyang anak na si Richard at ng aktres na si Sarah Lahbati?

Baka Bet Mo: Annabelle Rama ibinuking kung sino ang ka-text ni Ruffa sa ‘It’s Showtime’

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng kanyang FB followers.

“Mam Annabelle Rama tapos ko n po. Lahat gawain sa bahay waiting po ako ng live.”

“Nalunok ko yun bato!!”

“Goodmorning dzai, umaga na po at napuyat kaming mga mosang kakaisip dyan sa kung sinong kaaway mo hahahaha.”

“Puyat na nman po kami kakaisip nito.”

“Omg. Relax Maam  ang Beauty.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ohh gosh. Lord pls. have mercy on her.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending