Ruffa Gutierrez pinalagan ang chikang 'buntis' siya: 'FAKE NEWS!'

Ruffa Gutierrez pinalagan ang chikang ‘buntis’ siya: ‘FAKE NEWS!’

Pauline del Rosario |January 19,2024
facebook
share this

Ruffa Gutierrez pinalagan ang chikang ‘buntis’ siya: ‘FAKE NEWS!’

Pauline del Rosario - January 19, 2024 - 09:25 AM

Ruffa Gutierrez pinalagan ang chikang 'buntis' siya: 'FAKE NEWS!'

Ruffa Gutierrez, Herbert Bautista

TINULDUKAN na ng beauty queen-actress na si Ruffa Gutierrez ang chikang kumakalat patungkol sa kanila ng dating Quezon City Mayor na si Herbert Bautista.

Ito ‘yung nababalitang magkakaanak na umano sina Ruffa at Herbert.

Ayon sa Instagram Stories ng aktres, hindi na sana niya papatulan ang mga balitang ito, pero marami na raw kasi ang tila naniniwala.

“I wasn’t going to dignify this with an answer but everywhere I go, people are congratulating me [shocked, laughing emojis],” caption niya kalakip ang balitang nagsasabing buntis siya.

Ang nakalagay sa nasabing post: “JUST IN! Ruffa Gutierrez umaming buntis! Herbert Bautista magiging tatay na!”

Baka Bet Mo: ‘Status’ nina Herbert at Ruffa walang label: Uso pa ba yun? Basta it’s a mature relationship

Ruffa Gutierrez pinalagan ang chikang 'buntis' siya: 'FAKE NEWS!'

PHOTO: Instagram Story/@iloveraffug

Ibinandera rin ni Ruffa ang naging headline ng isang online news outlet na ang nakasaad ay, “How true na buntis daw ang aktres na si Ruffa Gutierrez kay dating Quezon City Mayor Herbert Bautista?”

Ang sagot diyan ng dating beauty queen, “So here it is: FAKE NEWS!”

Ruffa Gutierrez pinalagan ang chikang 'buntis' siya: 'FAKE NEWS!'

PHOTO: Instagram Story/@iloveraffug

Matagal nang nababalita ang tungkol sa relasyon nina Ruffa at Herbert, pero until now ay hindi pa rin nila diretsahang inaamin kung sila na nga talaga.

Sa isang interview, nabanggit ng aktres na napakapositibo ng impluwensya sa kanya ni Herbert at sa sandaling panahon pa lamang ng kanilang espesyal na relasyon ay napakarami na nitong naiturong life lesson sa kanya.

Bukod diyan, pinabulaanan din ni Ruffa ang isang quote card ng kanyang ina na si Annabelle Rama na tila umaamin na isang masamang biyenan at pinatatamaan pa ang misis ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati.

Ganito ang nakalahad sa nagva-viral na post: 

“Masamang biyenan daw ako. Oo ‘day! Masamang biyenan talaga ako! Sino ‘di mag-iinit ang ulo kung puro waldas ng pera at shopping malls lang ang alam. Ni hindi nga ‘yan humahawak ng walis tambo at naghuhugas ng plato. Akala mo anak mayaman eh, umasa lang naman sa tatay na foreigner. Hay nako ‘day! Gigil mo ko ‘day hay!”

Nilinaw naman agad ‘yan ng beauty queen-actress at sinabing, “Again, FAKE NEWS!!!”

Ruffa Gutierrez pinalagan ang chikang 'buntis' siya: 'FAKE NEWS!'

PHOTO: Instagram Story/@iloveraffug

Kung maaalala, naging kontrobersyal ang naging patama ng mother-in-law ni Sarah na si Annabelle na kung saan nagbitiw ito ng pahayag patungkol sa kanyang anak na si Richard Gutierrez na trabaho nang trabaho, habang ang isa raw ay malakas gumastos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang last year November nang umugong ang balitang tila hiwalay na sina Sarah at Richard matapos mapansin ng mga netizens na hindi na nagpo-post ng mga larawan na magkasama ang dalawa sa social media.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending