Aktres hiniwalayan ang BF na aktor na mahilig sa 'threesome'

Sikat na aktres hiniwalayan ang BF na aktor na mahilig sa ‘threesome’

Reggee Bonoan - February 19, 2025 - 10:21 AM
Sikat na aktres hiniwalayan ang BF na aktor na mahilig sa 'threesome' Sikat na aktres hiniwalayan ang BF na aktor na mahilig sa 'threesome'

ISA pala sa dahilan ng hiwalayan ng kilalang aktres at ex-boyfriend nitong aktor ay dahil nakarinig siya ng tsikang “kabaro” raw niya ang guy.

Hindi raw naniwala noong una ang kilalang aktres kasi nga mahal niya ang dyowa pero nagkaroon ng matinding pag-aaway dahil may ginawa ang boyfriend na aktor at tuluyan nang naghiwalay.

Hanggang sa nagkita sa isang event ang kilalang aktres at kaibigan nitong female celebrity na marami palang alam tungkol sa aktor na bida sa blind time na ito.

Ang kuwento raw ng female celebrity kay kilalang aktres, “Since hiwalay na kayo ay sasabihin ko na kung ano ang alam ko.”

Baka Bet Mo: Nadine game pa ring makatambal si James sa bonggang project; may mensahe sa mga loyal fans

Ikinuwento ng magandang female celebrity kay kilalang aktres kung ano ang mga nalalaman niyang lihim sa buhay ng dati niyang boyfriend.

Na-shock daw talaga ang kilalang aktres dahil hindi niya inakala na pati ang itinuring niyang kaibigang singer-actor ay nadamay din sa kuwento.

“Bet na bet pala ni ____ (boyfriend na aktor) ang tatluhan (threesome) kaya shocked si ____ (kilalang aktres) sa kanyang nalaman,” sabi ng aming source.

Binanggit sa amin kung sino ang katatluhan ng boyfriend na aktor at na-shock din kami kung sino ito, promise! Naisip namin kaya pala nagkagulu-gulo sila noon dahil kilala lahat ng taong involved.

Sa kasalukuyan ay tahimik ang magkabilang kampo pero si guwapong aktor na ex-dyowa ng kilalang aktres ay may bago nang dyowa ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending