Aktres pina-cut ng ilang araw ang shooting, miss na ang pamilya

Kilalang aktres pina-cut ng ilang araw ang shooting, miss na ang pamilya

Reggee Bonoan - February 11, 2025 - 09:22 AM

Kilalang aktres pina-cut ng ilang araw ang shooting, miss na ang pamilya

Guess, guess who!?

ALIW ang kilalang aktres dahil pina-cut short niya ang shooting days sa pelikulang ginagawa niya ngayon dahil sobrang miss na niya ang kanyang pamilya.

Kaya namin nasabing “aliw” ay dahil ang ibang artista ay gusto ng maraming number of shooting days para nga naman malaki ang take home nila lalo’t per day ang bayad sa kanila o package na.

Sa kaso ng kilalang aktres ay per day din ang bayad at malaki talaga kaya ayaw niya ng package, ang ending pinabawasan niya ang araw ng pagtatrabaho niya dahil gusto na niyang umuwi mula sa lock in shoot sa malayong lugar.

Wala raw shooting sa Manila kaya tatapusin ang buong pelikula sa malayong lugar bagay na ikinainip ng kilalang aktres at nakiusap na bawasan na ang araw niya at unahin na lang lahat ang mga eksenang kasama siya.

Walang magawa ang producer at direktor ng pelikula dahil kilalang artista ang bida sa pelikula nila at maganda ang record nito sa box-office kaya pinagbigyan.

Baka Bet Mo: Kilalang aktres nabuntis, nanganak noong kasagsagan ng pandemya: Na-shock kami kung sino ang tatay!

Good thing, mababait ang co-actors ng kilalang artista sa pelikula kaya um-oo na lang kesa humaba pa ang diskusyon.

Sa kasalukuyan ay diretso pa rin ang shooting ng kilalang aktres at malapit na siyang umuwi ng Maynila para maka-bonding ang pamilya.

* * *

Apat na pelikulang may angkop na klasipikasyon, swak para sa kabataan at pamilyang Pilipino ang ipalalabas ngayong linggo na nabigyan ng angkop na rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ang Thai animated na “Out of the Nest,” tungkol sa isang kambing at pitong nakakaaliw na sisiw at ang South Korean concert movie na “IU Concert: The Winning,” ay parehong rated G (General Audience). Ibig sabihin, puwedeng panoorin ng lahat ang dalawang pelikula.

Ang “Firefighters,” na base sa totoong insidente noong 2001 sa Hongje-dong, at ang “Woodwalkers,” na tungkol sa mga bata na nagpapalit-anyo, ay parehong rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang). Sa PG, pwedeng manood ang edad 12 at pababa na kasama ang magulang o nakakatanda.

Para sa mga naghahanap ng aksyon at kababalaghan, swak ang pelikulang “Peter Pan’s Neverland Nightmare” na rated R-16 at R-18. Sa R-16 ay mga edad 16 at pataas ang puwede lamang manood. Sa R-18 ay mga edad 18 at pataas.

Nakakuha naman ng R-16 at R-18 rating ang “The Baby in the Basket,” dahil sa tema, kababalaghan at lenggwahe.

Pinayuhan ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang mga magulang na pumili ng mga palabas na tama para sa mga bata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Malaki ang ginagampanan ng bawat pelikula sa paghubog ng kaisipan ng ating mga kabataan. Sa pamamagitan ng responsableng panonood, masisiguro natin na bukod sa kasayahang dulot ng pelikula, may mapupulot ding aral ang mga bata sa patnubay ng mga magulang,” say ni Ms  Lala.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending