Xyriel Manabat beast mode sa epal na netizen na nambasag sa pagpaparetoke niya ng ilong: 'It’s something to be proud of' | Bandera

Xyriel Manabat beast mode sa epal na netizen na nambasag sa pagpaparetoke niya ng ilong: ‘It’s something to be proud of’

Ervin Santiago |July 02,2023
facebook
share this

Xyriel Manabat beast mode sa epal na netizen na nambasag sa pagpaparetoke niya ng ilong: ‘It’s something to be proud of’

Ervin Santiago - July 02, 2023 - 09:11 AM

BASAG na basag ang dalawang epal na netizen matapos supalpalin ng Kapamilya young actress na si Xyriel Manabat.

May kaugnayan ito sa pagpaparetoke ng dalaga ng kanyang ilong kamakailan na talagang ibinandera pa niya sa social media nitong nagdaang Miyerkules, June 28.

Base sa mga litratong ipinost niya sa kanyang Instagram account, litang-kita ang pagbabago sa kanyang face – mas nagkaroon daw ng “attitude” at awra ang itsura niya.

Sa caption ng inilagay niya sa kanyang mga litrato ay todo pasalamat siya sa beauty clinic na gumawa at umayos sa kanyang ilong.

Baka Bet Mo: Xyriel Manabat mas bet ang ‘flat-chested’, hirit sa bodyshamers: Bakit ako ang mag-a-adjust?!

In fairness, maraming positibong komento ang nabasa namin sa pagiging brave and honest ni Xyriel na ibandera ang kanyang pagpaparetoke kabilang na riyan ang ilang celebrities tulad nina Melai Cantiveros, Darla Sauler at Christine Bersola-Babao.

Ayon sa ilang IG users, bihira sa mga artista ngayon ang umaaming nagpagawa o nagpa-enhance sila ng kanilang mga itsura kaya bilib sila sa katapangan at pagiging totoo ng “Dirty Linen” star.

Ngunit may dalawa ngang netizen na tila naligaw sa comments section ng IG post ni Xyriel. Isa rito ang nagtanong kung anu-ano pa ang ipinaayos ng aktres sa kanyang mukha at katawan.

“Eyelids, rhino? lip fillers. Jaw reduction? Ang ganda ng gawa,” hirit ng netizen. Sagot naman sa kanya ni Xyriel, “Nose lang po.”

Sabi naman ng ikalawang hater, hindi raw siya naniniwalang ilong lang ang ipinaayos ni Xyriel, “HAHA anong nose lang eh buong face mo nag-iba. Wala naman masamang umamin, cyst. Lol!”

Dito na nag-beast mode si Xyriel at binuweltahan ang basher ng, “Hi, what’s the point of denying po? It’s something to be proud of.

“I’m being honest and transparent. Of course whole po magbabago kasi nasa center po ng face ang nose and may madadamay at maapektuhan po talaga na part ng face kaya magbabago po talaga whole face… common sense come on,” ang hirit pa ni Xyriel laban sa  netizen.

Ipinost pa ng dalaga ang screenshot ng kanilang conversation thread sabay komento ng, “Bakit ko idedeny eh ang galing-galing ng doctor ko.”

Related Chika:

Chie Filomeno sinupalpal ang basher na nangnega sa mga nagpaparetoke: ‘Parang ang sama-sama namin, wala po kaming tinatapakang tao’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xyriel Manabat sa mga malilisyosong netizens: ‘Binabastos po nila ako, sinasabi nila kamanyak-manyak daw…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending