Xyriel Manabat sa mga malilisyosong netizens: 'Binabastos po nila ako, sinasabi nila kamanyak-manyak daw...' | Bandera

Xyriel Manabat sa mga malilisyosong netizens: ‘Binabastos po nila ako, sinasabi nila kamanyak-manyak daw…’

Ervin Santiago - May 03, 2023 - 07:34 AM

Xyriel Manabat sa mga malilisyosong netizens: 'Binabastos po nila ako, sinasabi nila kamanyak-manyak daw...'

Xyriel Manabat

“GUMAWA po kami ng legal action at nag-therapy po ako.” Yan ang inamin ng Kapamilya young actress na si Xyriel Manabat hinggil sa pambabastos at panghaharas sa kanya ng mga netizens.

Apektado ang mental health ng dating child star sa mga nababasa at nakikita niya sa social media kung saan ginagamit ang mga litrato niya para bastusin siya.

Sa edad na 19, marami nang na-encounter na kanegahan ang dalaga sa socmed lalo na noong menor de edad pa siya, partikular na nu’ng mag-post siya ng kanyang mga pictures noong September, 2020.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Grabe ang natanggap niyang comments mula sa mga kalalakihan nang bumandera ang kanyang litrato kung saan nakasuot siya ng manipis at body hugging white T-shirt.

May mga tumawang sa kanya ng “bold star”, “sobrang laki ng boobs” at “kamanyak-manyak.”

Sa YouTube channel ng Star Magic, mapapanood si Xyriel na binabasa at nagkokomento sa mga hate and toxic message ng mga bashers at haters.

Baka Bet Mo: Xyriel Manabat bet maka-love team si Zaijian Jaranilla

Sa isang bahagi ng vlog ay natanong ang dalaga kung ano ang isang komento na nabasa niya sa social media na talagang ikinasama niya ng loob at nakaapekto sa kanyang mental health.

“Ginagamit nila yung picture ko. Tapos ie-edit nila na parang nakahawak sila sa private part ko, ganu’n.

“And minsan yung mga comment du’n parang bina-validate na, ‘E, kasi ganyan naman ang suot, e.’ E, dyina-justify na, ‘E, kamanyak-manyak naman kasi talaga, e,’” aniya pa.
“Maaapektuhan at maaapektuhan po ako kasi hindi lang po iyon pagko-comment o pagba-bash.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Binabastos po nila ako and ino-objectify. Sine-sexual assault nila ako in a way. Hindi po yon dapat pinapalagpas.

“Na-overcame ko po siya. Gumawa po kami ng legal action and nag-therapy po ako sa mga ganu’n kong nababasa and nakikita.

“Kasi kailangan kong i-prioritize ang mental health ko, kasi hindi po talaga helpful ang ganu’ng nakikita ko,” pahayag ng young actress.

Pagpapatuloy pa niya, “Nakita nila yung pictures ko, nakasuot naman ako ng t-shirt tapos shorts. Actually, yung t-shirt na yon medyo manipis. So ang ginawa ko, nagsuot pa po ako ng sando sa loob,” pagbabahagi pa niya.

“Hindi ko po nakikita kung bakit nila dyina-justify na kabastos-bastos. Bakit hindi lang nila ikorek na kahit kailan hindi magiging tama ang pag-o-objectify ng tao, babae man o lalake, minor man o hindi.

“And minor po ako nung naranasan ko ito. I was 16 nu’ng naranasan ko ito. Tapos sobrang na-alter niya yung utak ko, yung thinking ko. Kasi medyo marami-rami po akong napagdaanan du’n and marami po akong nakasangga na…kasi ayoko ng nagpapatalo ako kapag ako yung nasa tama.

“Marami po akong binangga na alam kong kailangan kong i-educate, especially yung close-minded persons,” aniya pa.

Sa comment naman ng isang netizen na, “Sobrang laki naman ng boobs mo! Pabawasan mo yan! Baka bastusin ka!”

Sagot ni Xyriel, “Parang nabasa ko to somewhere down my comment section. Minsan yung iba pong kino-comment-an natin ng ganito, hindi po kasing tibay ng loob ko. Hindi po kasing lakas ng loob ko para lagpasan.

“Kasi kahit ako po minsan pag nakakabasa ng mga ganito, not-so-nice comment na, ‘Puwedeng huwag niyo po akong manduhan sa katawan ko?’

“Kung iyon po ang nakikita ninyo, tignan niyo na lang, scroll niyo na lang. Huwag na po kayong mag-comment hangga’t maaari.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xyriel Manabat (@xyrielmanabat_)


“And wag niyo pong i-wish na bastusin o tingnan dahil lang sa body type. Kasi hindi po talaga doon nababase kung babastusin or ano. Hindi po ang body type ang mag-a-adjust, kundi yung utak po natin,” sabi pa niya.

Binasa rin niya ang hate comment na, “Di ka naman nagpapa-sexy, e. Nagpapapansin ka lang sa social media.” Bwelta sa kanya ni Xyriel, “Kaya nga social media, siyempre, gusto kong mag-clout chasing.

“Yan naman talaga ang point ng social media, magpapansin ako sa tao. Po-post ko ba yon kung di ako magpapapansin, e, di sana sinave ko na lang sa camera roll ko.

“Yun po yung goal. Gusto ko pong mag-public expression ng picture ng OOTD, ng make-up look ko. Hindi ko po yan ipo-post kung hindi po yan kapansin-pansin, and wala pong mali don,” paliwanag pa ni Xyriel.

Xyriel Manabat game na game nang sumabak sa pagpapa-sexy sa serye at pelikula, pero may kundisyon…ano kaya yun?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xyriel Manabat shookt nang unang makita ang cast ng ‘Dirty Linen’; hindi nangalawang sa pag-arte kahit nawala nang matagal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending