Xyriel Manabat pumalag, ‘di nasusukat ang self-respect sa pananamit
DIRETSAHANG sinagot ng Kapamilya actress na si Xyriel Manabat ang tanong kung ano nga ba ang madalas na misconception o maling paningin sa kanya ng mga tao.
Sa kanyang pagpasok bilang housemate sa “Pinoy Big Brother Celebrity Collab” kasama ang Kapuso star na si Shuvee Etrata, natanong sila ng kapwa housemate na si Brent kung ano ba ang misconception sa kanila ng mga tao.
“Ang misconception sa akin?” Natatawang sabi ni Xyriel. “Feeling ko ang biggest misconception about sa akin ay because of the way I dress or express myself sa aking pananamit.
Aniya, pakiramdam raw ng mga tao ay waola siyang respeto sa saeili dahil sa kanyang pananamit.
Baka Bet Mo: Boobs ni Xyriel Manabat pinagtripan ng epal na basher, rumesbak!
在 Instagram 查看这篇帖子
“Feeling ng tao wala akong self-respect which is a big no. For me hindi nasusukat ang respeto ko sa sarili ko sa piraso ng tela,” pagpapatuloy pa ni Xyriel.
Kahit gaano pa raw kaikli o kakonti ang telang suot niya ay hindi ito dahilan para bastusin siya at hindi rin ito sukatan sa kanyang pagkatao.
“Para sa akin, kahit gaano ako ka-confident o kakumportable sa skin ko, hindi mo masasabi na hindi ko nirerespeto ang sarili ko,” sabi pa ni Xyriel.
Umani naman ito ng mga papuri mula sa madlang netizens.
“Nakakaproud makita si Xyriel as a hm dahil childhood idols ko sila ni Blythe & the way she answered the questions just shows that she grew up well.”
“Love ko ang bagong dynamics na hatid nila Xy at Shuvee. Go girls!”
“Saludo ako kay Xyriel at Shuvee. Hindi madali maging bread winner ah, lalo na sa batang edad. Sana ma bless pa lahat ng breadwinners.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.