Xyriel Manabat bet maka-love team si Zaijian Jaranilla | Bandera

Xyriel Manabat bet maka-love team si Zaijian Jaranilla

Therese Arceo - March 25, 2022 - 02:52 PM

Xyriel Manabat bet maka-love team si Zaijian Jaranilla
INAMIN ng dating child star na si Xyriel Manabat na gusto niyang maging ka-love team ang kapwa dating child star na si Zaijian Jaranilla.

Sa kanyang naging interview sa “Magandang Buhay” ay natanong siya ni Momshie Melai, isa sa mga hosts ng morning show na kung bibigyan siya ng pagkakataon na magkaroon ng ka-love team ay sino ang kanyang pipiliin.

Sa una ay umiiling pa si Xyriel at nang tanungin siya ni Regine kung may crush ito ay sinabi niyang sa ibang bansa daw meron pero sa local stars ay wala.

Maya-maya ay sumagot na rin ang dalaga sa kung sino ang bet niyang maka-love team sa showbiz.

“Siguro po ano, hindi po ako naku-cute-an kasi yari po ako sa dyowa pero feeling ko po mabibigyan po namin ng justice if ever magiging ka-love team ko po si Kuya Zaijian,” pagbabahagi ng dalaga.

Agad namang napatili sila Melai kaya naman nilinaw ni Xyriel na kuya lamang talaga ang tingin niya sa binata.

“Kuya ko po ‘yun ah. Kuya ko po talaga ‘yun,” sey ni Xyriel.

 

 

Aminado ang dalaga na noon pang mga bata ay talagang malapit na sila sa isa’t isa sa dami ng mga teleseryeng pinagsamahan nila gaya na lamang ng “Ikaw Ay Pag-ibig”, “Noah”, at “May Bukas Pa”.

Sa naganap na interview nila noong 2020, ikinuwento ni Xyriel kung paano nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.

“Sobrang kuya ko po ‘yan. Hindi pa po kami lumalabas sa TV sabay na po kami. Kasama po ‘yung lola niya, [magkasama na kami] sa fashion show at auditions, mga ganyan. So talagang matagal na po kaming magkakilala. Sobrang na-establish na magkapatid po kami. Kapag pupunta sila rito or pupunta kami or kapag po mga overnight po ang taping, kami-kami ng mga family namin ang magkakasama sa room, tapos nagba-bonding po,” pahayag ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Zaijian Jaranilla na-experience ang epektib na ‘gamot’ ni Jodi: Nawawala yung stress namin sa taping
Xyriel Manabat tinupad ang naudlot na 2021 bucket list

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending