Zaijian, Miggy mas mature ang atake bilang gay couple sa ‘High Street’
SA sequel ng hit Kapamilya series na “Senior High” – ang “High Street” babalik ang gay couple characters nina Zaijian Jaranilla at Miggy Jimenez.
Kaya naman siguradong tuwang-tuwa ang LGBTQIA+ community dahil pinakinggan ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment ang kanilang request na ipagpatuloy ang love story nina Tim at Poch kung gagawan ng part 2 ang “Senior High”.
Baka Bet Mo: Zaijian Jaranilla super lucky sa pagpasok ng 2022, may ‘Broken Marriage Vow’ na may ‘Darna’ pa
Nagsimula ang kuwento ng “High Street” after five years makalipas ang pagkamatay ng mga pangunahing karakter sa serye, kabilang na ang major-major kontrabida na si Mon Confiado bilang si William Acosta.
View this post on Instagram
Pero sa pilot week nga ng serye, ipinakita ngang pwede pang mabuhay si Acosta kaya naman mas kaabang-abang pa ang susunod na mangyayari.
Going back kina Zaijan at Miggy as Tim and Poch, asahan daw ng viewers na mas mature na ang atake nila sa kanilang mga role kaya mas mabibigat at mas challenging na rin ang mga eksena.
“Dito sa ‘High Street,’ may time jump na ng… 5 years. Iba na ‘yung pag-atake sa characters. Mas intimate kami. Mas mature in a way. Mas ganu’n po.
“Kaya nakakatuwa na nakakakaba. Pero iba ‘yung fulfillment ‘pag nagagawa namin ng maayos ‘yung trabaho namin (as actors)” sabi ni Zaijian sa presscon ng serye.
Baka Bet Mo: Maris Racal handa nang sumabak sa mature roles; wish maka-collab sina Jericho Rosales at Kathryn Bernardo
Dito, gaganap na si Zaijian as Tim, bilang forensics para sa police habang si Poch naman ay isang struggling actor.
View this post on Instagram
“Siguro it’s more of ‘yon nga kung paano siguro magdu-dwell ‘yung characters into the work life and the mature life.
“So, well, expect nyo na siyempre na magkasama kami lagi ni Tim. So, marami pa kaming mga problems and struggles na iso-solve,” sabi ni Zaijian.
“At tsaka sigurado ako, makaka-relate sila doon sa mga magiging problema natin at kung paano aayusin,” dagdag niya.
Kuwento naman ni Miggy, sa bawat eksena ay nag-uusap sila lagi ni Zaijian kung paanong atake ang gagawin nila.
“Bukod pa sa direction ni Direk Onat (Diaz) parang malaking tulong kasi lahat kami iisa lang ‘yung goal, which is pagandahin ‘yung objective ng scene.
“And then at the same time, ‘yun nga, kahit ‘yung mga konting, to make it more realistic siguro. Kaya kami mas nag-uusap kung paano ba namin, kung ano ‘yung pwede pa namin gawin,” aniya pa.
Kasama pa rin sa “High Street” ang original members ng cast na sina Andrea Brillantes, Juan Karlos Labajo, Daniela Stranner, Tommy Alejandrino, Gela Atayde, Angel Aquino, Kean Cipriano, at Angeli Bayani.
Ang mga bagong karakter naman na aabangan sa “High Street” ay duns Dimples Romana, Romnick Sarmenta, AC Bonifacio at marami pang iba.
Napapanood ang “High Street” Lunes hanggang Biyernes, 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.