Zaijian, Xyriel sa senior high students: Wag matakot lumbar

Zaijian, Xyriel sa senior high students: Wag matakot ipaglaban ang tama

Ervin Santiago |March 17,2024
facebook
share this

Zaijian, Xyriel sa senior high students: Wag matakot ipaglaban ang tama

Ervin Santiago - March 17, 2024 - 07:32 AM

Zaijian, Xyriel sa senior high students: Wag matakot ipaglaban ang tama

Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat

KAHIT natapos na ang hit Kapamilya series na “Senior High“, usap-usapan pa rin sa social media ang naging performance doon nina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat.

Talaga naman kasing nagmarka sa mga manonood ang naging karakter nila sa serye bilang sina Tim at Roxy, ang mga BFF ng lead star na si Andrea Brillantes as Sky.

Sabi nga ng kanilang mga supporters, sana raw kapag nagkaroon ng part o sequel ang “Senior High” ay kasama pa rin sila at mabigyan din ng sariling project together na sila ang mga bida.

Magkasabay na rumampa sina Zaijian at Xyriel sa naganap na ivory carpet ng Star Magical Prom last Thursday at dito nga sila nahingan ng payo para sa mga senior high students.

Baka Bet Mo: Zaijian Jaranilla na-experience ang epektib na ‘gamot’ ni Jodi: Nawawala yung stress namin sa taping

Sabi ni Xyriel, “Just like Roxy, don’t be afraid to voice out, to be vocal and to show what you want others to see in you.

“Huwag ka matakot na ipaglaban kung ano ang nakikita mong mali. Huwag kang matakot na magsalita kapag may nakikita kang hindi tama sa paningin or sa principles mo,” sey ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xyriel Manabat (@xyrielmanabat_)


Paalala naman ni Zaijian sa mga estudyanteng ginagawa ang lahat para magkamit ng award at honors sa school, huwag masyadong ma-stress at dapat alagaan pa rin ang mental health.

Baka Bet Mo: Zaijian Jaranilla super lucky sa pagpasok ng 2022, may ‘Broken Marriage Vow’ na may ‘Darna’ pa

“Hindi n’yo naman kailangan na gayahin si Tim na maging valedictorian kayo.

“Basta ibigay niyo lang ‘yung best niyo tapos siguro ang key diyan is ‘yung pakikinig lalo na sa klase at i-sink in lahat ng mga natutunan niyo,” sey ni Zaijian.

Matagal nang magkaibigan sina Zaijian at Xyriel dahil nagkakasama na sila sa mga programa ng ABS-CBN noong mga child stars pa lamang sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero mas naging solid pa raw ang friendship nila nang magsama sila sa “Senior High” kung saan gumanap din silang “partners in crime.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending