Xyriel Manabat ipinagtanggol ang dyowa, 'di umiiwas kay Elijah

Xyriel Manabat ipinagtanggol ang dyowa, ‘di umiiwas kay Elijah

Therese Arceo |February 06,2024
facebook
share this

Xyriel Manabat ipinagtanggol ang dyowa, ‘di umiiwas kay Elijah

Therese Arceo - February 06, 2024 - 10:46 PM

Xyriel Manabat ipinagtanggol ang dyowa, 'di umiiwas kay Elijah

PINALAGAN ng aktres na si Xyriel Manabat ang mga negatibong komento na ibinabato ng netizens laban sa kanyang non-showbiz dyowa.

Sa pamamagitan ng isang video na ipinost niya sa kanyang Facebook page, nilinaw niyang walang katotohanan na binabakuran siya masyado ng kanyang boyfriend kaya iniiwasan niya ang nakatambalang si Elijah Canlas.

Na-corner kasi si Xyriel sa isang interview matapos niyang mapanood ang “My Sassy Girl” kung saan natanong siya ukol sa successful na “Senior High” at kung ano ang masasabi niya sa mga fans na tumangkilik sa kanilang tambalan ni Elijah.

Makikita kasing naging tipid ang sagot ng aktres kaya naman nag-comment ang ilang netizens na tila iwas ang dalaga sa tanong.

“So gusto ko lang mag-explain not because I’m a people pleaser or gusto kong i-defend or i-clear ‘yung sarili ko kasi hindi naman gano’n ‘yung intensyon ko. Gusto ko lang gamitin ‘yung platform ko to clarify and to call out this kind of people, this kind of toxic mindset and to defend of course my boyfriend and of course my ethics, my work ethics,” panimula ni Xyriel.

Aniya, propesyunal siya sa kanyang larangan at wala siyang problema kung anuman ang gagawin na hinihingi ng karakter o ng istorya sa kanya.

Baka Bet Mo: Xyriel Manabat beast mode sa epal na netizen na nambasag sa pagpaparetoke niya ng ilong: ‘It’s something to be proud of’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“I’m just really hurt and disgusted by this toxic mindset. Lagi nila sinasabi [na] huwag ako umiwas [kay Elijah]. Siguro may tampuhan sila ng boyfriend… Hindi ako fan ng mga ganyang mindset ‘cause sa’min sa industriya, kailangan namin maging open-minded. Kung hindi man sa business, sa industriya namin kailangan open-minded kami,” lahad ni Xyriel.

Pagpapatuloy pa niya, “Hindi ko po tatanggapin ‘yung show kung alam ko namang marami akong restrictions sa paggawa ng scene ‘di ba? Kasi professional kami ni Jelo [Elijah] and I’m so thankful and I’m so grateful kay Jelo kasi never naging mahirap ‘yung kahit anong scene namin, even the hardest scene na akala ko hindi ko kayang gawin. Sobrang gentleman ni Jelo.”

Agad rin niyang itinanggi ang mga sinasabi ng netizens na hindi siya suportado ng kanyang dyowa.

“And sa mga nag-aattack sa boyfriend ko na baka daw immature o baka daw hindi daw ako pinapayagan, ‘di daw ako sinusuportahan. ‘Yung mga nagsasabi na bakit daw hindi daw kami nagdidikit ni Jelo ‘pag nandyan ‘yung jowa ko, bakod na bakod. Eh, hindi po totoo,” sey ni Xyriel.

Kaya raw niya dinidepensahan ang boyfriend ay dahil ayaw niyang mawili o masanay ang mga tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I find my peace after my battle. I find peace of mind after I speak up and burst out what I am feelings,” eksplika ni Xyriel.

Sinabi rin ng dalaga na hindi totoong walang suportang ibinibigay ang dyowa niya sa kanya dahil sa totoo ay super proud at supportive ito sa kanya.

LSana makahanap kayo ng ganung love. Hindi kami controlling and we are very healthy relationship,” mensahe ni Xyriel sa mfa bashers.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending