Miggy Jimenez mas nahirapang maggitara kesa maghubad

Miggy Jimenez mas nahirapang maggitara kesa maghubad sa pelikula

Ervin Santiago |March 31,2024
facebook
share this

Miggy Jimenez mas nahirapang maggitara kesa maghubad sa pelikula

Ervin Santiago - March 31, 2024 - 06:10 AM

Miggy Jimenez mas nahirapang maggitara kesa maghubad sa pelikula

Kokoy de Santos, Sue Prado at Miggy Jimenez

MAS nahirapan at mas na-challenge ang Kapamilya actor na si Miggy Jimenez sa pagtugtog ng gitara kesa sa paggawa ng sex scenes sa bago niyang pelikula.

Aliw na aliw ang mga members ng press na nakapanood sa special screening ng “Your Mother’s Son” sa mga rebelasyon ng aktor tungkol sa naging experience niya sa kanilang shooting.

Natanong ang aktor na nagmarka sa Kapamilya series na “Senior High” na pinagbidahan ni Andrea Brillantes, kung ano ang pinakamahirap na eksenang ginawa niya sa “Your Mother’s Son” na kinunan sa Boso-Boso, Antipolo, Rizal.

Baka Bet Mo: Baby boy uli ang magiging anak nina Chito at Neri: May brother na si Miggy!

“Yung guitar po,” ang tugon ni Miggy na ikinahagalpak ng mga co-stars niya sa movie na sina Kokoy de Santos, Elora Españo at Sue Prado, at pati ng direktor nilang si Jun Lana.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pagpapatuloy ni Miggy, “Sobrang struggle. Kasi I was really honest kina Direk Jun. Sabi ko, I’m not really musically inclined. So sabi ko, ‘Direk, I’m trying my best na aralin talaga. I’m really pressured.’

“Sa totoo lang, wala akong pakialam maghubad, mas may pressure pa po ako na maggitara sa camera. Kaya sana, mukha naman pong totoo,” natatawa pang chika ng binata.

Kasunod nito, nagpalakpakan sina Kokoy, Elora, at Sue na natatawang sinagot ni Miggy ng, “Two years and a half pong gusto kong marinig ang palakpak na yan!”

Matindi ang mga love scenes na pinaggagawa ni Miggy sa “Your Mother’s Son” – may threesome siya with Kokoy and Elora at meron din siyang threesome kasama sina Kokoy at Sue.

Baka Bet Mo: Neri ibinuking si Chito: Ang layu-layo ng personality niya sa banda sa pagiging daddy

Tanong pa kay Miggy, hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang pelikula, “Siguro ito po yung masasabi ko na… ito yung project na nagpatapang sa akin to really jump.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Siguro para lagpasan pa yung mga expectations ko, so to be, like, an actor, like, how to accept na, how to manage every project na puwede kong tanggapin.

“Ako, sigurado ako, ito yung project na ito, na kumbaga awakening. Na nagsabi sa akin na, ‘O, marami pa pala yung puwede mong gawin. Marami pa palang puwede.’

“So you just have to really jump and that’s what I’m really grateful for. Ang tagal ko ring inantay ang pelikulang ito,” aniya pa.

Sa susunod na movie project, mas magiging daring pa ba siya? Kaya ba niyang mag-frontal nudity?

“Frontal? I think, at my age, parang hindi pa po siguro,” malumanay na sagot ni Miggy.

“Yeah, but if there’s an art film na super required talaga na kailangang gawin… puwedeng pag-usapan.”

Sunod na question kay Miggy, ano ang reaksyon niya after mapanood ang “Your Mother’s Son”, “Lagi naman po akong overwhelmed, e. And kahit saan… ginagawa ko lang naman po yung work ko.

“Sobrang kabado and excited at the same time. Di rin ako makatulog kagabi. Na eto na, meron muna kaming screening na mapapanood bukod sa opening film sa April 12.

“Well, overwhelmed lang po talaga ako. Sobrang… di ba? Out of words ako. Well, yun, more on recall po siguro na yun nga po, may mga, ‘Ahh, yun pala ang ginawa namin.’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Basically some of the parts of it, I don’t really remember na. Kasi nga, it’s 2021 pa. But I’m excited to watch it again. Siguro pag napanood ko ulit, dun ko mas makakapag-reflect po nang mas maayos. I’m really happy, that’s for sure,” sabi pa ni Miggy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending