Baby boy uli ang magiging anak nina Chito at Neri: May brother na si Miggy! | Bandera

Baby boy uli ang magiging anak nina Chito at Neri: May brother na si Miggy!

Ervin Santiago |May 20,2021
facebook
share this

Baby boy uli ang magiging anak nina Chito at Neri: May brother na si Miggy!

Ervin Santiago - May 20, 2021 - 10:51 AM

BABY boy pa rin ang magiging ikalawang anak ng celebrity couple na sina Chito Miranda ay Neri Naig.

Nagkaroon ng isang intimate at simpleng gender reveal party ang mag-asawa sa kanilang bahay kasama ang panganay nilang si Miggy at ilang kasambahay.

Nag-post si Neri ng maikling video clip sa kanyang Instagram page kung saan mapapanood ang kanilang announcement para sa big reveal kung ano ang gender ng susunod nilang baby.

Ibinahagi rin ng Parokya ni Edgar frontman sa IG ang isa pang version ng gender reveal video at nilagyan ng caption na, “Pag lalake, si Cash. Pag babae, Margarita. Ladies and gentlemen, it’s a…” ang biting pahayag ng OPM icon.

Nang hilahin na ng mag-inang Neri at Miggy ang tali mula sa isang malaking blue and white box na nakasabit sa kanilang kisame, naglaglagan ang mga asul na lobo at confetti.

Nagsigawan naman ang pamilya Miranda ng, “May baby brother na si Miggy.”

Sandamakmak na netizens ang bumati kina Chito at Neri para sa kanilang second baby boy kabilang na ang aktres at dating girlfriend ng singer-composer na si Kaye Abad.

Comment ni Kaye, “Lalaki ulit! Congrats!”

Nito lang nakaraang Mother’s Day, May 9, ibinandera ni Neri sa buong universe na nagdadalang-tao siya uli kasunod ng pagpo-post ng mga litrato na kuha sa kanyang maternity photoshoot mula sa kanilang farm house sa Cavite.

Nauna namang ipinost ni Chito sa IG ang picture nila ni Neri na naglalakad sa dalampasigan na may mensaheng, “Happy Mothers’ Day!!!.Busog lang ako.” Na ang tinutukoy ay ang litrato niyang nakaliyad din at kita ang tiyan.

“Si Neri, magiging mommy na ulit….and again, ‘walaaaaang tulugaaaan!!!’

“Pero sa totoo, excited na excited na ko hehe! (yung feel na feel nila mag-kodakan, tapos nanggugulo ka sa likod),” sey pa ni Chito sa caption.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal sina Chito at Neri noong 2014 at isinalang naman ang una nilang anak na si Miggy taong 2016.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending