LGBTQIA+ movie ‘Two And One’ panalo sa threesome; Miggy Jimenez susunod sa yapak nina Jake Cuenca at Jericho Rosales
GRABE! As in grabe ang mga pasabog na sex scenes at drama moments sa pinakabagong pelikula ng Vivamax at IdeaFirst Company, ang “Two And One”.
Ito’y pinagbibidahan nina Miggy Jimenez (ng Gameboys), Paolo Pangilinan at Cedrick Juan, isinulat ni Ash Malanum and directed by Ivan Andrew Payawal na siyang nasa likod ng hit romcom online series na “Gameboys”.
Napanood namin ang “Two And One” sa ginanap na private screening nito sa Gateway Cineplex kamakalawa, October 3, at masasabi naming ito na ang pinakamagandang pelikula ni Direk Ivan.
In fairness, maayos at kapani-paniwala ang pagkakagawa at pagkakabuo ng pelikula – balanseng-balanse ang mga nakakalokang love scenes ng tatlong bida at ang madadrama nilang eksena.
Sigurado kaming mawiwindang kayo sa mga pagti-threesome nina Miggy bilang si Tino, Paolo as Chan at Cedrick bilang Joaquin, dahil talagang game na game silang nagchurvahan – sa iba’t ibang pasabog na posisyon.
Sa mga pinaggagawa nila sa movie, aakalain mo talaga na sila’y mga miyembro ng LGBTQIA+ pero siniguro nina Miggy at Cedrick na sila’y mga straight nang makachikahan sila ng press after ng screening.
Wala sa private screening at presscon si Paolo kaya hindi siya natanong about his sexual preference pero base sa mga post niya sa Instagram ay proud na proud siya sa pagiging ally ng LGBTQIA+ community.
Markado sa amin ang opening scene ng pelikula kung saan unang nagkrus ang landas nina Tino at Chan sa isang bus. In fairness, may kilig agad ang dalawang bida na pinalakpakan pa ng audience.
Fast forward after six months: magdyowa na sina Chan at Tino at dito na nga isa-isang lalantad ang mga issue nila sa buhay kabilang na ang mga trip nila sa pakikipag-sex.
Ito ang isa sa magiging dahilan para maghanap sila ng isang lalaki na makaka-threesome nila lalo na kapag hindi nila mapaligaya ang isa’t isa. May eksena pa nga sila na ang peg ay ang pottery scene mula sa classic Hollywood movie na “Ghost” nina Patrick Swayze at Demi Moore.
View this post on Instagram
Pero ang pinakamatinding bubog pala ng kuwento ay ang relasyon ni Tino sa kanyang lesbian parents na ginagampanan nina Phoemela Baranda at Shirley Fuentes.
Dito kami bumilib kay Miggy dahil pinatunayan niya na hindi lang paghuhubad ang kaya niyang gawin sa harap ng camera kundi kering-keri rin niyang umarte.
View this post on Instagram
Sure na sure kami na maraming award-giving body ang makakapansin sa galing ni Miggy sa movie at pwedeng-pwede siyang ma-nominate at manalong best actor para rito.
Sa katunayan, habang pinanonood namin ang pelikula, parang nakikita namin sina Jericho Rosales at Jake Cuenca kay Miggy lalo na sa kanyang breakdown and drama moments.
Bukod sa galing ng akting ng tatlong bida sa “Two And One” at ng magandang pagkakalahad sa kuwento nito, nagustuhan din namin ang realistic ending ng pelikula dahil nangyayari talaga ito sa tunay na buhay.
Sabi nga ng movie reviewer at veteran entertainment columnist na si Tito Mario Bautista, “This is a film about relationships that we will recommend to viewers of all genders.”
Streaming na ito sa Vivamax Plus simula ngayong araw, October 5.
https://bandera.inquirer.net/300077/jun-lana-perci-intalan-hiwalay-na-we-request-for-privacy-as-we-navigate-this-transition
https://bandera.inquirer.net/284515/baby-boy-uli-ang-magiging-anak-nina-chito-at-neri-may-brother-na-si-miggy
https://bandera.inquirer.net/305944/neri-miranda-bumili-ng-condo-para-sa-anak-na-si-miggy-para-habang-bata-pa-may-negosyo-na-siya
https://bandera.inquirer.net/307953/neri-ibinuking-si-chito-ang-layu-layo-ng-personality-niya-sa-banda-sa-pagiging-daddy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.