‘Mapapamura ka sa galing ni Kokoy de Santos sa Your Mother’s Son!’
MAPAPAMURA ka talaga sa galing ng aktor na si Kokoy de Santos sa pelikulang “Your Mother’s Son” mula sa direksyon ni Jun Robles Lana.
Mapapanood ito sa Abril 12 hanggang Abril 14 bilang opening film sa ENLIGHTEN: The IdeaFirst Film Festival na gaganapin sa Gateway Cinemas mula sa panulat nina Direk Jun at Elmer Gatchalian.
Sampung taon na ang IdeaFirst Company at 35 movies na ang nagawa ng power team nina direk Jun at Perci Intalan na halos lahat nakapag-uwi ng iba’t ibang awards at recognitions mula sa Pilipinas at iba’t ibang bansa.
Baka Bet Mo: Kokoy sorry nang sorry kay Sue dahil sa ‘lamasan’ sa ‘Your Mother’s Son’
Going back to Kokoy, una kaming humanga sa kanya sa online hit BL (Boys Love) series na “Gameboys” kasama si Elijah Canlas. Wala rin siyang takot sa mga mapangahas nilang eksena ni Elijah sa serye.
Sa “Your Mother’s Son” ay mas malala pa ang ginawa ng aktor kasama sina Sue Prado, Miggy Jimenez at Elora Españo na nabigyan ng X rating ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB noong una itong rebyuhin.
View this post on Instagram
Umapela ang direktor at producer ng pelikula na sina direk Jun Lana at Perci Intalan sa MTRCB at nabigyan nga ito ng R-18 rating.
Natanong si Kokoy kung hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang “Your Mother’s Son” dahil tiyak na mag-iiba ang pananaw ng mga makakapanood ng pelikula.
“Sobrang na-excite po ako kasi una kong nakatrabaho si Direk Jun ay sa Die Beautiful, so ito po ‘yung full length, kaya nu’ng nalaman ko ang karakter ko, wala akong pag-aalinlangan talaga (dahil) malaki ang tiwala ko at pamilya nga talaga ‘yung pakiramdam lalo na mismo sa set, so, (para kaming) naglalaro lang talaga sa set at hubad-hubad.
Baka Bet Mo: ‘Gameboys 2’ nina Elijah at Kokoy mas maraming pasabog; magsasama na sa bahay
“Nu’ng time na ginagawa namin ito ay para kaming nasa alapaap kasi tuluy-tuloy lang talaga, ganu’n kasi high literal ganu’n ang pakiramdam,” sagot ng aktor.
Parehong naka-love scene ni Kokoy sa pelikula sina Sue at Elora. Inamin ng aktor na kabado siya sa intimate scenes nila ni Sue dahil nu’ng una silang nagsama sa isang proyekto ay hindi sila ang magka-partner.
“First time ko rin makakahawak ng boobs ng katrabaho. Pero dahil nga si Ate Sue na nanay ng baby ko dati, di ba? Sa mga nakakaalam. Diyos ko, actually, yun nga ang sinasabi ko kay Ate Sue. ‘Ate Sue, nanay ka ng baby ko. Ngayon, nilalamas ko na ang s*so mo?” ani Kokoy.
At kapag “cut” na ay panay ang hingi ni Kokoy ng dispensa, “Ate Sue, sorry! Sorry! Pasensiya na!’ Ganu’n lang naman.”
View this post on Instagram
Samantala, naunang ipalabas sa Taiwan ang “Your Mother’s Son” bago sa Pilipinas kaya’t natanong si Kokoy kung ano ang reaksyon ng mga nakapanood doon.
“Halu-halong emosyon, kasi siyempre kung hindi dahil sa pelikulang ito at pinagkatiwalaan ako hindi ako makakapunta ng Taiwan.
“First time kong maka-attend ng film festival, malaking film festival, first time kong mapapanood at kasama pa ‘yung ate ko kasi binitbit ko siya, kabado kasi may pa-Q&A pa, so saan ba ako magpo-focus?
“Pakiramdam ko after kong mapanood ‘yung film, sobrang happy ako na maging parte ng film na ito na ipinagkatiwala sa akin ng IdeaFirst.
“Habangbuhay ko nang dadalhin ‘yun, eh, kasi mai-immortalize na ‘tong pelikula kahit saan mo mapanood, ‘yung director’s cut sana mapanood din pagdating ng panahon, iba pa ring feeling ng mapanood ko ngayon kasi iba ‘rin ‘yung napanood kong una.
“Happy naman din ‘yung mga nakapanood at tumatawa sila, actually parang artista rin naman ako ro’n, na-feel ko naman, ‘ay ganu’n pala ang feeling!’ Sobrang natuwa naman ako,” mahabang kuwento ni Kokoy.
Anyway, ang “Your Mother’s Son,” “Big Night”, “Die Beautiful”, at iba pa ang mga pelikulang mapapanood sa Gateway Cineplex 18 simula sa Abril 12-14.
Bukod sa screening ay magkakaroon din ng Writing Masterclasses, Directors at Writers Roundtables para makabili ng tickets na nagkakahalaga ng P199.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.