Herlene ‘bugbog’ sa bashers noong 2023

Herlene ‘bugbog’ sa bashers noong 2023 kaya mas gagalingan ngayong 2024

Pauline del Rosario |January 07,2024
facebook
share this

Herlene ‘bugbog’ sa bashers noong 2023 kaya mas gagalingan ngayong 2024

Pauline del Rosario - January 07, 2024 - 12:40 PM

Herlene ‘bugbog’ sa bashers noong 2023 kaya mas gagalingan ngayong 2024

PHOTO: Instagram/@herlene_budol

ISA sa mga pinag-usapan at naging kontrobersyal na celebrity noong nakaraang taon ay ang beauty queen-actress na si Herlene Budol.

Aware diyan mismo si Herlene at inilarawan pa nga niya ang kanyang 2023 bilang isang roller coaster ride dahil sa dami ng mga nangyari.

Pero hindi ibig sabihin niyan ay susuko siya sa mundo ng showbiz.

Ang pangako pa nga niya sa kanyang sarili ngayong 2024 ay mas galingan pa sa buhay at sa kanyang karera.

‘Yan ang mga inihayag niya nang kamustahin siya ng entertainment reporter na si Nelson Canlas ng news program na “24 Oras.”

Baka Bet Mo: Herlene Budol babu na sa beauty pageants: Titigil na po ako, hindi ko na po ipipilit ‘yung sarili ko…

“Sa 2023 ko, siguro isa sa mga natutunan ko, hindi araw-araw Pasko,” sey ng beauty queen.

Paliwanag niya, “Kailangan talagang may thrill na talagang mapapasigaw ka, mapapamura ka with taas kamay.”

“Parang rides nga po sa roller coaster. Hindi palaging masaya, kailangang may takot at may kaba,” paglalarawan pa niya sa taong 2023.

Inamin din ng aktres na bagamat naapektuhan siya sa mga kinasangkutang isyu ay naiintindihan naman daw niya na may iba’t-ibang pananaw ang mga tao.

“Bugbog na bugbog na nga ako. Torture na torture na po talaga ako sa bashing,” sambit niya.

Patuloy niya, “Pero paulit-ulit ko naman sinasabi na hindi mo naman talaga mapi-please lahat tsaka hindi lahat maiintindihan ka.”

“Kaya piliin mo nalang ‘yung mga taong nandyan para sayo palagi,” aniya pa.

Sa huli, sinabi ni Herlene na mas lumakas ang kanyang loob at talaga namang naging matatag siya matapos ang mga nangyari sa kanya noong nakaraang taon.

“The more na talagang ganun ‘yung nangyayari, mas lalo akong nanggigil na mas galingan pa sa buhay dahil alam kong umaasa ang pamilya ko,” giit ni Herlene.

Kung maaalala, noong Hulyo nang bitawan siya ng kanyang talent manager na si Wilbert Tolentino.

Makalipas ang isang buwan ay inanunsyo naman niya na hindi na siya sasali sa beauty pageants, ngunit ito ay agad naman niyang binawi.

Ilang linggo naman bago matapos ang 2023, nasangkot si Herlene sa third party issue matapos mag-leak sa mismong Instagram account ng Kapuso actor na si Rob Gomez ang diumano’y palitan nila ng mensahe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero agad naman itong itinanggi at pinalagan ni Herlene sa pamamagitan ng serye ng social media posts.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending