'Gameboys 2' nina Elijah at Kokoy mas maraming pasabog; magsasama na sa bahay | Bandera

‘Gameboys 2’ nina Elijah at Kokoy mas maraming pasabog; magsasama na sa bahay

Reggee Bonoan - April 04, 2021 - 06:41 PM

NATAPOS na ang seryeng “Paano ang Pangako” ng TV5 nitong nakaraang Sabado, Abril 3

Sumakto ang final episode nito sa muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine dahil nasa bahay lang ang lahat at naghahanap ng mapanood sa free TV.

Ang isa sa bida ng “Paaano ang Pangako” na si Elijah Canlas ay nasa bahay lang at nag-iisip kung paano siya magiging productive ngayong pahinga siya dahil wala na siyang shooting o taping.

Bago mag-Mahal na Araw ay nakatsikahan namin nang solo ang binata na sa murang edad ay ilang tropeo na ang napanalunan at lahat ito ay ibinigay niya sa magulang niya na naka-display sa kanilang kuwarto.

Kabing na riyan ang best actor trophies niya mula sa 17th Asian Film Festival na ginanap sa Rome, Italy (Kalel 15) at FAMAS (Kalel 15), Gawad Urian (Kalel 15), Best Supporting Actor sa Gawad Pasado Award (Edward), Best Acting Ensemble Paragon Critics Choice Award (Kalel 15), Pista ng Pelikulang Pilipino (Special Jury Prize for Performance in a Lead Role) sa pelikulang “He Who Is Without Sin” at special prize bilangvBreakthrough Star of 2020 sa Push Awards.

Kahit may mga patunay nang isang mahusay na aktor si Elijah ay aminadong nagsisilbi itong challenge sa kanya para mas lalo pa niyang husayan ang kanyang pag-arte.

“Mas namo-motivate po ako with all those recognitions o anuman pong papuri, mas lalo akong na-challenge na galingan pa at mas paghirapan pa, mas magsikap pa at mas magaling na artista.
“Nahihiya nga po ako, hindi ko masyadong naniniwala sa mga papuri parati pa rin akong nagtatakip ng mukha kapag may nagcompliment o anuman.

“Nu’ng nakuha ko po ‘yung Urian (trophy), nasa lock-in po kami sa San Pablo tapos pinadala po sa akin sa kasi may interview po ako about the Urian so doon po pinadala. Pero as soon as I got home, ibinigay ko po agad sa magulang ko, parang nahihiya po akong tingnan o masyado akong kinikilig o nahihiya.  Hindi ko naman po makukuha ‘yun kung hindi dahil sa magulang ko kaya sa kanila ko inalay,” kuwento ng aktor.

Nabanggit namin na sobrang bata pa ni Elijah nangbmakatanggap ng Urian trophy dahil ang iba ay may mga edad na bago nila ito nakamit at ‘yung iba nga ay wala pa rin.

“Well, pinalad po. I think I was so blessed to to give that opportunity na ‘yun na maka-trabaho si Direk Jun Lana, ‘yung buong team po sobrang blessed po talaga,” sambit nito.

Naisip ba minsan ni Elijah na dahil best actor na siya ay hindi na siya dapat nagkakamali sa mga eksena niya dahil nakakahiya.

“Hindi naman po dahil sa best actor ako, even before (hindi pa nanalo), ganu’n na po talaga ako, ‘yung harsh ako sa sarili. Kapag may pressure mas lalo ako natsa-challenge, mas na-inspire na galingan.

“Pero nagkakamali po ako, hindi po ako perfect, nakakalimot po ako ng lines ko minsan, alam po nina direk Perci (Intalan) yan. Pero I try my best to not to make any mistakes and galingan pa talaga at i-prove kung anuman po ‘yung sinasabi about me,” pahayag ni ng batang aktor.

Samantala, natapos na ring i-shoot ni Elijah ang season 2 ng Boys’ Love o BL series na “Gameboys” na naging instant hit noong nakaraang taon sa panahon ng ECQ. Wala pang binanggit ang producer na si Direk Perci Intalan ng IdeaFirst Company kung kailan ang airing nito dahil nasa post production pa ito.

Si direk Jun daw ang in-charge sa post prod bilang creative consultant at sabi pa ni Elijah, “Kailangan po kasi perfect and worth the wait naman po ito.”

Sabi namin, kailangan mas malampasan nito ang part 1 at level up na rin ito dahil magkasama na sa iisang bahay sina Cairo (Elijah) at Gavreel (Kokoy de Santos).

“Tiyak po na malalagpasan po ‘yan.  Mag-stay ‘yung character ko sa bahay ni Gavreel for a week bago lumipad sa Bukidnon kasi kailangan naming umuwi na dahil nauubos na ang savings namin (pamilya),” sabi ng aktor.

At dahil magkasama na sa iisang bahay at magkatabi na sa higaan ay may mga intimate scenes na ang dalawa.

“Ibang level na po ‘yung kilig at mas mabigat na ‘yung mga eksena namin dahil siyempre, ibang klaseng challenge. Basta po, masasabi ko mas maraming pasabog and I really believe na mas maganda ito kaysa sa una naming ginawa. Hindi ko po kasi alam kung hanggang saan ang puwede kong sabihin baka ma-memo ako,” paliwanag ni Elijah.

Kasama kasi namin sa zoom interview si direk Perci kaya hindi makapagsalita si Elijah pero siniguro nitong mas maraming “touching” sa pagitan nila ni Kokoy sa “Gameboys” season 2.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Gameboys” ang naunang BL series na ipinalabas noong nakaraang lockdown at ang dami ng nagsunuran pero iba ang dating nitong kina Cairo at Gavreel na milyones ang views.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending