Jun Lana sinugod ng nanood sa kanyang pelikula, galit na galit na nakipagtalakan
SUCCESSFUL ang ginanap na “EnlighTen The IdeaFirst Film Festival” na ginanap sa Gateway Cineplex 18 nitong Abril 12-14 kung saan ipinalabas ang 10 pelikulang umani ng awards sa iba’t ibang film festival sa ibang bansa.
Pinangunahan ng “Your Mother’s Son” na tatlong beses nakaranas ng standing ovation sa Toronto International Film Festival noong Setyembre, 2023 mula sa direksyon ni Jun Robles Lana.
Ngayon lang ito napanood sa Pilipinas at dahil R-18 ang rating na ibinigay ng MTRCB kaya’t exclusive lang ito sa Gateway Cineplex at dahil sa word of mouth ay EXTENDED ito hanggang this weekend kaya sa mga hindi pa nakapanood ng “Your Mother’s Son” ay may chance pa kayo.
Natuwa rin tiyak ang Gateway management dahil mas pinasok ang mga pelikulang kasama sa IdeaFirst Film Festival tulad ng “Big Night” ni Christian Bables, “Anino sa Likod ng Buwan”, “Game Boys”, “Mahal Kita Beksman,” “Sleepless”, “About Us But Not About Us”, “Distance” at “Dementia”.
Almost full-packed at soldout ang pelikula nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas kumpara sa mga pelikulang nagbukas last week.
Baka Bet Mo: Jun Lana sa na-X na pelikula dahil sa sex: Ano ba yung big deal du’n?
Anyway, sa bawa’t pelikulang nabanggit ay nagkaroon ng Q&A pagkatapos mapanood ang pelikula at nandoon sina direk Perci Intalan at Jun Robles para sagutin lahat ang tanong ng mga nanood.
Nagkaroon ng ‘di pagkakaunawaan sa pagitan ni Direk Jun at dalawang nanood ng “Anino sa Likod ng Buwan” dahil tila galit sila sa mga tanong nila pero malumanay naman silang sinagot ng direktor pero hindi nila ito matanggap.
Pagkatapos sagutin ni Direk Jun ay nag-entertain naman siya ng ibang magtatanong pero gigil na gigil pa rin ang moviegoer kaya paglabas ng sinehan ay sinugod pa nito ang direktor at nakipagtalakan hanggang sa dumating na ang mga guard ng Gateway para umawat.
Sabi ni Direk Jun, “Handa naman ako kung sakaling may gawin siya.”
Dahil nasa fighting mood ang netizen ay naagapan naman siy ng mga guard.
Mga 2 a.m. na natapos ang second screening ng “Anino sa Likod ng Buwan”.
Congratulations sa IdeaFirst Company sa success ng kanilang film festival na first time gawin ng isang movie outfit at sana’y masundan pa ito.
Sobrang lakas din ng bentahan ng mga merchandise nila tulad ng t-shirt, stickers, eco bags, at “Game Boys The Movie” book.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.