Kokoy sorry nang sorry kay Sue dahil sa eksenang 'lamasan'

Kokoy sorry nang sorry kay Sue dahil sa ‘lamasan’ sa ‘Your Mother’s Son’

Ervin Santiago |March 24,2024
facebook
share this

Kokoy sorry nang sorry kay Sue dahil sa ‘lamasan’ sa ‘Your Mother’s Son’

Ervin Santiago - March 24, 2024 - 06:57 AM

Kokoy sorry nang sorry kay Sue dahil sa 'lamasan' sa 'Your Mother's Son'

Kokoy de Santos, Sue Prado at Miggy Jimenez

GRABE! As in grabe pala talaga ang mga nakakaloka at nakaka-shock na mga eksena nina Miggy Jimenez, Kokoy de Santos at Sue Prado sa “Your Mother’s Son.”

Napanood namin ang pinakabagong obra ng award-winning filmmaker na si Jun Robles Lana sa ginanap na press screening nito sa Gateway Cineplex sa Cubao, Quezon City nitong nagdaang Huwebes, March 21.

In fairness, mula simula hanggang ending na movie ay talagang nakatutok kami dahil ayaw naming may ma-miss na scene.

Baka Bet Mo: Glaiza, Kokoy, Buboy, Lexi, Angel napamahal na sa South Korea: Very thankful na nakauwi kami ng safe at walang nagkasakit sa amin

Wala ka talagang itatapon na eksena dahil bukod sa nakakaintrigang kuwento at tema ng “Your Mother’s Son” ay ang gagaling talaga ng mga bida sa pelikula kaya hindi na kami magtataka kung humakot ito ng awards sa susunod na awards season.

Maraming sex scenes sa “Your Mother’s Son” sina Kokoy na gumaganap bilang Emman, Miggy as Oliver, Elora Españo bilang si Amy at ang premyadong aktres na si Sue bilang si Teacher Sara na talagang hindi rin nagpatalbog sa hubaran at churvahan.

May kissing scene sa movie sina Miggy at Kokoy, “Hindi mo masabi. Ngayon, kami naman ni Miggy ang ano…pero saglit lang naman! Dampi lang. Hindi ako sanay sa mga ganu’n, e! Ha-hahaha!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


May nagawa nang pelikula noon si Kokoy, ang Cinemalaya 2019 entry na “Fuccbois” kung saan nagkaroon sila ng intimate scenes ng isa pang Kapuso actor na si Royce Cabrera kung saan pareho silang nag-frontal.

May nagsabi sa binata na parang minamani na lang ni Kokoy ang paghuhubad at pakikipag-love scene, “Grabe naman iyong ‘minamani’! Ha-hahaha! Actually, after ng Fuccbois, medyo natagalan ako bago gumawa uli.

Baka Bet Mo: ‘Gameboys 2’ nina Elijah at Kokoy mas maraming pasabog; magsasama na sa bahay

“So, nu’ng gagawin namin ito, na-excite ako ulit na gumawa ulit ng something na intimate ulit, na gagawa ng mga scenes na ganu’n. Pero iba rin naman siya. Iba rin siya sa Fuccbois,” ani Kokoy na may threesome scene with Miggy and Sue at isa pang “tatlo-magkasalo” na eksena kasama sina Miggy at Elora.

Samantala, nahingan ng reaksyon si Kokoy sa paglamas niya sa boobs ni Sue sa ilang eksena nila sa movie, “Actually nu’ng sinabi pa lang sa akin yun, du’n ako parang medyo kinabahan siyempre.

“First time ko rin makakahawak dahil sa trabaho…ng boobs ng katrabaho. Pero dahil nga si Ate Sue na nanay ng baby ko dati (sa digital series na Gameboys), di ba? Sa mga nakakaalam.

“Diyos ko, actually, yun nga ang sinasabi ko kay Ate Sue. ‘Ate Sue, nanay ka ng baby ko. Ngayon, nilalamas ko na ang suso mo.’ Wala munang mother-mother-in-law, ha? Ha-hahaha!” chika ng “Bubble Gang” star.

In fairness, game na game rin si Sue sa mga eksena niya sa pelikula, walang arte-arte dahil naniniwala siyang kailangan ito sa paglalahad ng kuwento.

Sey pa ni Kokoy tungkol kay Sue, “Wala (arte)! Parang nagka-cut na, ‘Ate Sue, sorry! Sorry! Pasensiya na!’ Ganu’n lang naman.”

Inamin ni Direk Jun Lana na totoong na-X ang “Your Mother’s Son” sa unang review ng MTRCB at matapos nila itong i-edit, binigyan ito ng R-18 rating.

Ang “Your Mother’s Son” ang magiging opening film sa gaganaping ENLIGH10: The IdeaFirst Film Festival sa April 12 sa Cinema 11 ng Gateway Mall.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod dito, ang iba pang pelikula ng “The IdeaFirst” na ipalalabas sa April 13 at 14 sa Gateway Cinema ang “Anino sa Likod ng Buwan”, “Untrue”, “Dementia”, “Ang Manananggal sa Unit 23B”, “Mahal Kita Beksman,” “Big Night”, “Sleepless”, “Distance”, “I America”, “Gameboys The Movie”, “Mr. and Mrs. Cruz”, “About Us But Not About Us”, at ang blockbuster hit na “Die Beautiful.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending