Cedric Juan, Miggy Jimenez laban kung laban sa hubaran at churvahan, pero hindi kayang makipag-threesome | Bandera

Cedric Juan, Miggy Jimenez laban kung laban sa hubaran at churvahan, pero hindi kayang makipag-threesome

Reggee Bonoan |October 06,2022
facebook
share this

Cedric Juan, Miggy Jimenez laban kung laban sa hubaran at churvahan, pero hindi kayang makipag-threesome

Reggee Bonoan - October 06, 2022 - 12:28 PM
Cedric Juan, Miggy Jimenez laban kung laban sa hubaran at churvahan, pero hindi kayang makipag-threesome

PAREHONG straight sina Cedric Juan at Miggy Jimenez na pumayag magkaroon ng threesome intimate scenes kasama ang LGBTQ member na si Paolo Pangilinan sa pelikulang “Two And One”.

Ito’ idinirek ni Ivan Andrew Payawal handog ng Viva Films/Powerhouse Media Capital and IdeaFirst Company at streaming na ngayon sa Vivamax.

Inamin nina Cedric at Miggy na hindi naman sila nailang na sa karakter nila dahil nagawa na nila ito noon sa previous projects nila, mas matindi nga lang itong “Two And One.”

Sa tanong kung kaya ba nilang makipag-threesome sa tunay buhay  unang sumagot si Cedric, “Ako po, nothing against sa ganyang set-up kasi kung may consent parehas ang couple na in a relationship, wala pong problema ro’n.

“Kanya-kanya po tayo ng preferences. Wala pong problemang pag-usapan ang sex as long as nagiging sensitive rin tayo sa grupo na may pinag-uusapan, pero ako personally hindi ko masasabing kaya kong gawin (threesome) kasi unang-una seryosong bagay iyon. Hindi kop o dyina-judge ‘yung mga tao o couple na gumagawa no’n,” aniya pa.

Inamin din ng aktor na importante ang sex sa isang relasyon, “Personally po mahalaga talaga ang sex sa relationship kasi it’s not just the activity, ‘yung intimacy po kasi minsan napakahalaga the way mo hawakan, the way mo kausapin, the way mo kina-caress ang partner mo kasi communication po iyon na hindi kailangan ng mga salita.

“Kaya para sa akin po wala pong problema kung sex positive ka at kung pag-uusapan ang sex kasi parte po ng relasyon,” katwiran ni Cedric na gumanap bilang thirdwheel kina Miggy at Paolo.

Say naman ni Miggy, “As of now po I don’t see myself na makikipag-threesome hindi poi yon ang preference ko but again I respect po ‘yung gusto ng mga tao kasi sila po ‘yun, magkakaiba naman po tayong lahat.

“And at the same time, walang problemang pag-usapan ang sex kasi first of all ginagawa naman ‘yun at hindi naman something laughs about? Isa rin sa importanteng bagay sa mga tao,” aniya pa.

Parehong may girlfriends sina Cedric at Miggy at hindi sila nahirapang ipaalam ang ginampanan nilang karakter sa “Two And One” lalo na sa parte ng una dahil theater actress ang kanyang kasintahan at present during the private screening ng pelikula nila.

“Maraming nagtatanong kay Karen (girlfriend) personally, ako may mga friends na nagtatanong kung ano ang reaction ni Karen.

“Feeling hindi po naging mahirap kasi aktres din po si Karen, theater actress po siya kaya ‘yung judgement, wala po agad kasi naka-base kami sa script kung bakit siya ginagawa and as an artist, alam po namin ang role namin sa society, so, kung tutuusin, hindi siya about sa akin.

“About siya sa nire-represent ni Cedric kay Joaquin (karakter) sa society para mag generate ng questions sa tao.  Actually, siya po ang ka-throw lines ko.

View this post on Instagram

A post shared by Paul Cedrick Gutierrez Juan (@cedrickgjuan)

“Mamaya po tatanungin ko siya (Karen) kasi ngayon lang niya ito napanood kung ano ang reaksyon niya.  Walang limitasyon na ibinigay kasi nandoon ‘yung tiwala sa akin na not to over do it,” kuwento ni Cedric.

Sabi naman ni Miggy, hindi siya nahirapang ipaalam ang karakter niya bilang Santino sa non-showbiz girlfriend niya.

“Same with Cedric po na we communicate and sit down hindi lang naman ‘yung sarili ko ang kino-consider ko rito,” saad ng aktor.

Inaming nahirapan siyang ipaalam ito sa mommy niya bilang bunsong anak ay kinailangan niyang i-explain mabuti ang karakter niya at kasama ni Miggy ang ina sa ginanap na private screening pero umalis agad ito.

“I’m happy na she went earlier pero sabi niya sa akin na, ‘okay lang ban a umalis ako in the middle of (movie).  Kasi she wasn’t ready at baka raw hindi nya kayanin (mga love scene) and I truly understand and I can feel the support and how proud she is but she’s not ready (to watch),” ani Miggy.

Anyway, napapanood na ang “Two And One” sa Vivamax Plus.  Kasama rin sa pelikula sina Shirley Fuentes, Raquel Monteza and Phoemela Baranda.

Related Chika:
Jake kinikilig sa tambalang Janine at Paulo; na-enjoy ang pagiging kontrabida

LGBTQIA+ movie ‘Two And One’ panalo sa threesome; Miggy Jimenez susunod sa yapak nina Jake Cuenca at Jericho Rosales

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baby boy uli ang magiging anak nina Chito at Neri: May brother na si Miggy!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending