Kokoy de Santos, Angel Guardian shookt sa tunay na sakit ni Super Tekla: 'Lumalala na po 'yung... alipunga ko!' | Bandera

Kokoy de Santos, Angel Guardian shookt sa tunay na sakit ni Super Tekla: ‘Lumalala na po ‘yung… alipunga ko!’

Ervin Santiago - July 06, 2023 - 07:23 AM

Kokoy de Santos, Angel Guardian shookt sa tunay na sakit ni Super Tekla: 'Lumalala na po 'yung... alipunga ko!'

Angel Guardian at Kooky de Santos

SHOOKT ang mga Kapuso stars na sina Kokoy de Santos at Angel Guardian sa naging “rebelasyon” ng komedyanteng si Super Tekla.

Nabiktima ng TV host-comedian sina Kokoy at Angel sa ginawa nilang prank sa nakaraang episode ng “The Boobay and Tekla Show” sa GMA 7 nitong nagdaang Linggo.

Sa simula ng nakakalokang prank, in-announce ni Tekla on national television na kailangan daw niyang magpahinga muna at magpagaling dahil sa kanyang iniindang karamdaman.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kokoy De Santos (@kkydsnts)


Ito raw ang payo sa kanya ng mga doktor matapos siyang magpa-checkup, “Siyempre, tatakbo pa naman ‘tong TBATS without me, nandiyan naman si Boobay.

“Siguro I need lang na ma-ano ko lang ‘yung concern ng doctor ko na kailangan ko talaga siyang ipahinga at kailangan kong i-prioritize ‘yung health ko,” ang pahayag ni Tekla.

Baka Bet Mo: Kokoy, Elijah may chance magkagustuhan in real life?

Sa puntong ito, kitang-kita sa reakyon nina Kokoy at Angel (na nagkasama noon sa Running Man Philippines) ang pagkabigla. Hindi sila nakapagsalita sa balita ni Tekla.

Hiniling naman ni Boobay kay Tekla kung nais niyang i-share sa manonood kung ano ang kanyang karamdaman. Nagpasalamat muna ang comedian sa kanilang viewers at mga tagasuporta ng “TBATS.”

“Bago pa nag-pandemic hanggang sa nag-pandemic ginapang namin lahat, thank you.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angel Guardian (@itsangelguardian)


“Pero kailangan ko na po talagang sundin ‘yung ano ng doctor sa akin kasi lumalala na po ‘yung –yung alipunga ko,” ang nakakawindang na rebelasyon ni Tekla.

Bigla namang natawa sina Kokoy at Angel nang malamang na-prank sila ng “TBATS.”

“Mas naiyak ako nu’ng sinabi niya (Tekla) ‘yung alipunga. Noong nalaman ko na niloloko niyo kami, parang ang sakit na niloloko niyo kami,” chika ni Angel  habang tawa pa rin nang tawa at pinupunusan ang luha.

Napapanood pa rin ang “The Boobay and Tekla Show” every Sunday, 10:40 p.m., sa GMA 7 after “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Aiko nakiusap na pagbigyan siyang magbalik-teleserye: Yung kikitain ko po idadagdag ko rin sa ipangtutulong ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kokoy de Santos shookt nang mapasama sa ‘Running Man PH’; Angel Guardian gusto nang mag-quit sa showbiz, pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending