Super Tekla may babala kay Donita Nose: Para kang latang kinakalawang! | Bandera

Super Tekla may babala kay Donita Nose: Para kang latang kinakalawang!

Therese Arceo - November 05, 2022 - 10:47 PM

Super Tekla may babala kay Donita Nose: Para kang latang kinakalawang!
MUKHANG may namumuo na namang tensyon sa pagitan ng dating magka-tandem sa pagpapatawa na sina Donita Nose at Super Tekla.

Una ngang nag-post si Donita Nose kung saan tila tinatawag ang pansin ng kapwa komedyante.

“Wag mo akong simulan, Super Tekla,” post ni Donita.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donita Nose (@donitanose)

Agad naman nag-post si Super Tekla at sinagot ang dating kaibigan.

“Ah talaga ba? Donita Nose simulan mo tatapusin ko,” sey naman niya.

At mukha ngang patuloy na lumalala ang tensyon sa pagitan ng dalawa matapos magbahagi ng video ni Super Tekla kung saan diretsahan niyang hinamon si Donita.

Aniya, ilabas na raw nito kung ano man ang ang ilalabas nito ay huwag nang daanin sa pagpaparinig kung talagang matapang ito.

“Puny**a ka, Donita! Alam mo para kang lata. Para kang latang kinakalawang; pag sinisipa mo sa daan, tunog nang tunog kasi walang laman. Inamez!” nanggigigil na sabi ni Super Tekla.

Dagdag pa niya, “Ilabas mo, nag-aantay ako. Pinupuyat mo ‘yung mga tao. Niloloko mo ‘yung mga tao, nag-aantay. Nyemas ka. Inamez, bansot!”

Matatandaang nagdesisyon nang maghiwalay ng landas sina Super Tekla at Donita Nose at itigil na ang pagba-vlog sa kanilang YouTube channel na “Donekla in Tandem” dahil sa diumano’y hindi nila pagkakasundo sa mga video content nila.

Pagbabahagi ni Donita, masyado raw kasing tamad ang kapwa komedyante sa paggawa ng vlog kaya mas maganda na rin daw na mag-stop na sa kanilang pagiging mag-tandem.

Related Chika:
Donita Nose masamang-masama ang loob kay Tekla: Nakakadurog ng pagkatao…ibinigay mo na lahat

Donita Nose inireklamo ang airline company dahil sa nawalang bagahe, ‘di nakapagpalit ng panty

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Donita Nose sa fans ni Tekla: Huwag n’yo naman akong durugin, hindi n’yo alam ang hirap ko!

Cristy Fermin sa itsura ngayon ni Tekla: ‘Yung pagiging unprofessional nanggagaling sa bisyo ‘yan…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending