Donita Nose sa fans ni Tekla: Huwag n'yo naman akong durugin, hindi n'yo alam ang hirap ko! | Bandera

Donita Nose sa fans ni Tekla: Huwag n’yo naman akong durugin, hindi n’yo alam ang hirap ko!

Ervin Santiago |March 02,2022
facebook
share this

Donita Nose sa fans ni Tekla: Huwag n’yo naman akong durugin, hindi n’yo alam ang hirap ko!

Ervin Santiago - March 02, 2022 - 07:35 AM

Donita Nose at Super Tekla

KARUGTONG ito ng naisulat namin kahapon tungkol sa “paghihiwalay” ng magka-tandem na komedyante na sina Super Tekla at Donita Nose.

Idinetalye ni Donita Nose sa joint YouTube channel nila ni Tekla na “Donekla In Tandem” kung bakit kailangang magkanya-kanya muna sila kasabay ng paghingi ng pasensya sa lahat ng kanilang subscribers.

Dito, nabanggit ni Donita na halos siya na lang ang nag-iisip para sa magiging content ng YouTube channel nila at parang wala nang pakialam si Tekla na nagsabing parang wala nang nangyayari sa pinaggagagawa nila.

“Nakakadurog ng pagkatao. Binigay mo lahat. Inihain mo na lahat, kahit utak mo dumudugo na sa pag-iisip at hirap. Ang dami kong shinare sa sarili ko. Pero sasabihan mo lang ako ng walang nangyari?” ang masamang-masama ang loob na sabi ni Donita.

Sa isang bahagi ng vlog, sinabi rin ni Donita na ang isa pang ikinasama ng loob niya ay nang i-bash siya nang bonggang-bongga ng supporters ni Tekla.

Hindi raw kasi nagugustuhan ng mga ito ang pagtratato ni Donita kay Tekla sa kanilang mga vlog samantalang ang huli nga raw ang nagdadala sa channel nila.

“Wala pong problema sa akin. Hindi po sa akin ang problema. I’m doing my job. Sobrang professional ako sa trabaho ko.

“I-clear ko sa mga tao na nagmamahal kay Super Tekla, huwag niyo ako masyado durugin na feeling niyo dumidikit ako kay Super Tekla para sumikat. Mali po kayo diyan,” paglilinaw ng komedyante.


Kasunod nito, naiyak na nga si Donita habang nagpapaliwanag, “Kaya ko tumayo sa sarili kong paa. Yung mga nagsasabi na grabe ako kay Super Tekla, grabe ko siya murahin, mali po kayo sa inisiip niyo. Lahat ng nakikita niyo sa camera, hindi po iyan totoo sa totoong buhay.

“Wala kayong alam sa hirap ko sa channel namin. Tapos sasabihin ng mga tao, ako yung masama? Ako yung nanakit palagi sa kanya?

“Hindi niyo alam yung hirap ko. Wala kayong alam kung paano ko suportahan ang taong ito noon pa lang. Kay Kuya Wil (Willie Revillame) pa lang,” diin ni Donita na ang tinutukoy ay ang pagsuporta niya kay Tekla noon para maging co-host sa “Wowowin”.

“Kaya huwag niyo naman ako masyado durugin na sumasabay lang ako sa kanya para sumikat. Di ako sikat. Di ko kailangan sumikat. Ang kailangan ko lang po ay magkaroon ng trabaho,” aniya pa.

Pagpapatuloy pa ng komedyante,  “Makita niyo ako mataray ako sa kanya, minumura ko siya, it’s because kailangan ko gawin para lumabas yung craft niya. Hindi para ipahiya siya, i-down siya, hindi.

“Kasi du’n siya aangat. Para makasagot siya sa akin. Wala kayong alam kung paano ko ito tulungan. Ang sakit-sakit sa akin yun,” sey pa ni Donita.

Samantala, inamin naman ni Tekla na siya talaga ang may gustong maghiwalay na muna sila ni Donita ng bahay, “Ako po talaga nagdesisyon na umalis at maghiwalay kami.

“Kasi, may pinagdadaanan ako lately na ayoko na siya maistorbo pa. Ayaw ko nang makadagdag sa isipin niya. Sinarili ko na lang. Kailangan natin maghiwalay.

“Basta sobrang magulo na rin utak dahil sa sunud-sunod na problema. Kaya naapektuhan yung channel namin,” depensa ng Kapuso comedian.

“Pero totoo po yun. Sa bawat vlog namin, si Donita talaga nag-iisip. Nagsa-suggest din ako ng mga gusto kong mangyari, but di rin niya maano, e. Kasi, parang nahihinaan siya sa mga suggestion ko, so di nagma-materialize sa kanya.

“Ako na lang, for the sake of para maging strong, I’ll go for your idea. Nagtratrabaho na lang ako sa vlog. Pero pagdating sa idea, si Donita may alam diyan. Basta napagod na rin ako. Magulo ang isip ko, guys,” ani Tekla.

Sey naman ni Donita sa kanya, “Magulo isip mo, di ka napagod. Wala ka sa focus.” Na sinagot ni Tekla ng, “Kesa mag-away kami nang mas malalim pa diyan, maghiwalay na muna tayo.”

Tugon uli ni Tekla, “Walang problema sa team, walang problema sa editors, walang problema sa akin.

“Alam mo kung ano problema. Ikaw lang kailangan magbago. Kasi di namin hawak desisyon mo sa buhay. Di ka talaga makapagtrabaho pag ganyan,” ani Donita.

Payo pa niya kay Tekla, “Tapatan mo na lang ng sipag. Tapatan mo na lang pagiging professional. Puro ka dahilan. Pagdating ng vlog natin, nagmamadali ka, aalis ka agad. Wala ka sa focus.

“Number one nating problema, katamaran mo. Bukod sa dami mong problema, katamaran mo talaga ang humahatak sa iyo, e,” mariin pang sabi ng komedyante.

Sa huling bahagi ng vlog, nakiusap naman si Tekla sa kanyang mga fans na huwag nang banatan si Donita.

“Wag na po mag-bash kay Donita. Narinig niyo naman po from her side. In-admit ko naman yun yung mga kahinaan ko. Mga kamalian ko, ina-acept ko naman yun.

“Wag niyo siya husgahan. Siyempre masakit din sa kanya. Kaya po nag-live ngayon para matigil na pamba-bash kay Donita.

“Kung ano man, kumbaga, para makapag-isip kami, kung maayos pa ba itong channel na ito o hindi. Mahirap magtrabaho nang di kayo nagkakasundo,” sabi pa ni Tekla.

https://bandera.inquirer.net/290048/donita-rose-napilitang-pumunta-sa-us-dahil-sa-kawalan-ng-trabaho-sa-pinas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/282652/matapos-masangkot-sa-iskandalo-tekla-at-michelle-nagkabalikan-na
https://bandera.inquirer.net/290932/super-tekla-naiyak-nang-balikan-ang-nakaraang-buhay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending