Boobay itinago ang pagiging bading sa amang sundalo

Boobay itinago ang pagiging beki sa amang sundalo, paano siya tinanggap?

Ervin Santiago |March 03,2024
facebook
share this

Boobay itinago ang pagiging beki sa amang sundalo, paano siya tinanggap?

Ervin Santiago - March 03, 2024 - 08:41 AM

Boobay itinago ang pagiging beki sa amang sundalo, paano siya tinanggap?

Boobay at Marian Rivera

KNOWS n’yo ba na nagkaroon pa ng girlfriend ang Kapuso TV host-comedian na si Boobay noong nasa high school pa siya?

Yan ang naging rebelasyon ng “The Boobay And Tekla Show” host nang mapag-usapan ang tungkol sa kanyang pagiging proud member ng LGBTQI+ community.

Pag-amin ni Boobay, high school student na siya nang ma-feel ang pagiging beki dahil nagkakagusto na raw siya sa kapwa niya lalaki.

Ngunit nagdesisyon siyang isikreto muna ang tunay niyang pagkatao sa kanyang parents, lalung-lalo na sa kanyang tatay na isang sundalo.

Baka Bet Mo: Boy Abunda sa nangyaring ‘pagha-hang’ ni Boobay: There was no indication that he was not feeling well

Sa nakaraang episode ng weekly talk show ng GMA 7 na “Sarap ‘Di Ba?”, nabanggit ni Boobay na nagkaroon pa siya ng dyowang girl noong nasa second year high school siya.

“Tapos parang ay…parang may something. Parang mas naano ako (naa-attract) sa ano (mga lalaki),” chika ni Boobay.

Matagal-tagal ding itinago ni Boobay ang pagiging bading sa pamilya niya dahil nga natatakot siya sa magiging reaksyon ng mga ito, lalo na sa kanyang amang nasa military.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Norman Balbuena (@boobay7)


“Yung tatay ko sundalo so lagi siyang nasa destino. Kapag umuuwi ng probinsya sa amin sa Zambales nagpapanggap talaga na parang ano talaga ako (lalaki),” aniya pa.

Nagpanggap daw siya hanggang magkolehiyo kahit na nagpe-perform at nagwo-work na siya noon sa comedy bar sa Baguio City.

Kapay umuuwi raw siya sa Zambales mula sa Baguio, patuloy pa rin ang pagpapanggap niya bilang isang lalaki.

Baka Bet Mo: Hugot ni Michelle Dee matapos malaglag sa Top 5 ng Miss Universe 2023: ‘Sayang hindi ako nakahawak ng mic’

“Minsan nag-iisa ako, ‘Anong gagawin ko. Ano ba lalabas ko na ba ‘to sa tatay ko?’ May mga ganu’n ako sa tatay ko,” pahayag ni Boobay.

Never daw nag-out si Boobay sa kanyang tatay, ang naaalala raw niya, basta tinapik lang siya ng ama after ng graduation niya sa college. Feeling niya, yun na ang pagtanggap nito sa kanya.

“Pagkatapos ng graduation, wala kaming usap-usap talaga, bigla niya lang akong tinap ganyan (sa balikat) tapos nakipag-eye-to-eye siya sa akin. Tapos sabi niya, ‘It’s a tie,'” ang natatawang biro ng komedyana.

“Kidding aside tinap niya lang ako, ‘ah okey.’ Proud daw siya sa akin,” sey ni Boobay.

Mula noon, hindi na niya itinago ang pagiging beki, “Sabi ko, ‘Hindi. I’ll make him proud.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mensahe naman niya sa kanyang pamilya, “Huwag kayong mag-aalala kasi magpapalakas ako para sa kanila. Kasi alam ko no matter what nandiyan sila, bumababa man ako o tumaas nandyan sila.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending