Boobay pinangarap ding maabot ang tagumpay nina Vice at Ai Ai

Boobay pinangarap ding maabot ang tagumpay nina Vice, Ai Ai at Uge

Ervin Santiago - October 09, 2024 - 12:35 AM

Boobay pinangarap ding maabot ang tagumpay nina Vice, Ai Ai at Uge

Boobay at Vice Ganda

KNOWS n’yo bang dream din pala ng Kapuso TV host-comedian na si Boobay ang maranasan din ang tagumpay na naabot ng tatlong LODI pagdating sa pagko-comedy?

Yes, totoong pinangarap ni Boobay noon ang maabot kung ano ang narating ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda, ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas, at ng award-winning actress na si Eugene Domingo.

Special guest ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Lunes, October 7, si Boobay at isa nga sa mga naitanong sa kanya ay kung sapat na ba ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon sa kanyang showbiz career.

Baka Bet Mo: Kris gustong maranasan ni Bimby ang normal teenage life, pero may bawal

Question ni Tito Boy, kung naiisip din ba niya na maging ka-level o kaliga rin siya nina Vice, Ai Ai at Uge na maituturing nang mga superstar pagdating sa larangan ng pagpapatawa.

Sagot ni Boobay, “Pumapasok din po sa isip ko ‘yun, Tito Boy, na sana dumating ‘yung pagkakataon na maabot ko rin ‘yun.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Norman Balbuena (@boobay7)


“Pero ‘yun nga, sabi ko kay Lord, kung dito na lang, kuntento na ako. Because I was able to do my purpose in life which is to entertain,” dugtong pa niya.

Dugtong pa ni Boobay, kung mabibiyayaan daw siya ng mga bongga pang projects at mabibiyayaan ng pagkakataon, ibibigay ni Boobay ang lahat-lahat at hindi niya bibiguin si Lord at ang lahat ng taong naniniwala at nagtitiwala sa kanyang talento.

Nauna nang nabanggit ni Boobay noong magsimulang magsanib-pwersa ang ABS-CBN at GMA 7 para sa noontime program na “It’s Showtime” na dream come true para sa kanya na makapag-guest si Vice sa comedy show nila ni Super Tekla na “TBATS”.

“We’re looking forward na talagang makapag-guest sa atin ang Unkabogable star na si Mommy Vice at kami din sana makapag-guest sa It’s Showtime,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending