Kris gustong maranasan ni Bimby ang normal teenage life, pero may bawal
AYAW maranasan ni Queen of All Media Kris Aquino ng bunso niyang anak na si Bimby ang naging buhay niya noong kanyang kabataan.
Nais ni Kris na magkaroon ng normal teenage life ang anak niya sa dating asawang si James Yap na never niyang na-experience noong teenager.
Sa panayam kay Kris ng content creator at talent manager na si Ogie Diaz na napapanood na ngayon sa kanyang YouTube channel, in-explain niya kung bakit gusto rin niyang sa Pilipinas magpatuloy ng pag-aaral ang anak.
Baka Bet Mo: Alice Dixson inokray ng bashers nang takpan ang mukha ng dyowa: ‘Me ganern! Feeling teenager lang!?’
“I don’t want to repeat kay Bimb kung ano ‘yung pinagdaanan ko dahil I really did not have a teenage life,” simulang chika ng TV host-actress.
View this post on Instagram
Ayon pa sa nanay nina Joshua at Bimby, 15 years old siya nang maging pangulo ng Pilipinas ang kanyang ina, the late former President Corazon “Cory” Aquino.
Sey ng premyadong TV host at aktres patungkol kay Bimby, “Excited ako kasi dapat mabigyan na siya ng chance na lumabas with friends and barkada niya. Dapat may freedom na siya pumunta ng mall.”
Nangako naman si Bimby sa kanyang nanay na magiging mabait siya at hindi gigimik sa mga bar at club habang nasa Pilipinas.
Pero sabi ni Kris sa anak, “It’s okay. Just dont drink. Same kami ng blood type so allergic kami sa inumin.”
Baka Bet Mo: Pinay teenager na inokray sa ‘luxury’ bag, brand ambassador na ngayon
Dalawang taon nang naninirahan si Kris sa Amerika kasama si Bimby para sa iba’t ibant treatment for her auto-immune diseases. Pero nagdesisyon na nga ang TV host na pauwiin si Bimby sa Pilipinas para dito tapusin ang kanyang pag-aaral at makasama ang kuyang si Josh.
View this post on Instagram
“I need to go back home in order to finish talaga na focused na focused talaga. Sabi ni Mama, ‘It’s time for you to experience what it’s like to be a normal high schooler,'” ani Bimb.
Sey pa ni Kris, “He really has to go kasi kailangan niya magpa-interview doon sa schools. Tatlong schools pinagpipilian. He needs to go for a face-to-face.
“May exams siya to see kung anong aptitude niya, kung anong level. Posibleng pwede siyang ma-accelerate pa. I’m praying for that,” dagdag ni Kris.
Hirit naman ni Bimby, “Siyempre, mana sa nanay.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.