Alice Dixson inokray ng bashers nang takpan ang mukha ng dyowa: 'Me ganern! Feeling teenager lang!?' | Bandera

Alice Dixson inokray ng bashers nang takpan ang mukha ng dyowa: ‘Me ganern! Feeling teenager lang!?’

Ervin Santiago |November 10,2022
facebook
share this

Alice Dixson inokray ng bashers nang takpan ang mukha ng dyowa: ‘Me ganern! Feeling teenager lang!?’

Ervin Santiago - November 10, 2022 - 07:59 AM

Alice Dixson at ang mystery dyowa

NIRESBAKAN ng Kapuso actress at dating beauty queen na si Alice Dixson ang ilang bashers at haters sa social media.

Mukhang maraming natatanggap na hate message ngayon si Alice kaya naman ibinahagi niya sa buong universe ang isa niyang wish para sa lahat ng nagpapakalat at nagpapasabog ng kanegahan sa socmed.

Nitong nagdaang Martes, nag-post ang aktres sa Instagram ng mga litrato niya sa beach kung saan makikitang may hawak siyang starfish.

Sa inilagay na caption ni Alice pinaringgan nga niya ang mga taong wala nang ginawa sa buhay kundi ang mang-okray, mambastos at manglait ng kanilang kapwa.

“1st star I see tonight…

“Wish I may, wish I might, have the wish I wish tonight.

“My wish is mag meditate ang mga haters para mabawasan ang mega negativity sa www (globe, peace sign emojis),” ang buong caption ng aktres sa kanyang IG post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)


Bago ito, may ipinost munang litrato si Alice sa IG na umani ng  negatibong komento mula sa kanyang followers. Ito yung photo niya kasama ang non-showbiz boyfriend.

Pero tinakpan ni Alice ng malaking sombrero ang mga mukha nila ng guy. Aniya sa caption, “Aha! Gusto nyo ganito? I have one without the hat But no one wants to see that lol!”

Maraming nagkomento na masyado nang papampam at feeling teenager si Alice. Pagpuna ng isang IG user, “Bagay lng cguro sa teeners ang suspense, lapit na sa senior citizenship di n bagay.”

“Jusmeyo Marimar, feeling teenager lang!”

“Talaga ba Alice? Me ganern pa? Nagsu-sumixteen? Kung ayaw mong ipakita mukha ng dyowa mo, e di wag. Feeling!”

“Ohh please no need to pose if you doesn’t (sic) want to show your partner OA hmmmp!”

May mga nagtanggol din naman kay Alice tulad ng netizen na nagsabing, “It’s her choice to hide him ,and besides account nya to kya chillax mga maritess. she can post whatever she wants so wla na kyo dun kung sino gusto nya eh show up or eh hide.”

Last year, nag-post si Alice ng litrato ng lalaki na pinaniniwalaang asawa niya. Pero ang drama nga, nakatakip ang mukha nito.

Huling napanood sa Kapuso series na “First Lady” si Alice kung saan nakasama niya sina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.

Wish ni Alice natupad makalipas ang 10 taon: May baby na!

Angel handa na bang maging madrasta sa teenager na anak ni Neil?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Herlene tinawag na ‘Budol Queen’ ng netizen dahil sa bagong itsura, nagparetoke nga ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending