Boobay hinimatay habang nagho-host sa town fiesta ng Aparri

Boobay hinimatay, natumba habang nagho-host sa town fiesta ng Aparri

Ervin Santiago |May 08,2024
facebook
share this

Boobay hinimatay, natumba habang nagho-host sa town fiesta ng Aparri

Ervin Santiago - May 08, 2024 - 02:16 PM

Boobay hinimatay, natumba habang nagho-host sa town fiesta ng Aparri

Boobay

NAG-ALALA ang mga kaibigan at fans ng Kapuso TV host-comedian na si Boobay matapos muling mahimatay at tumumba habang nagpe-perform.

Viral na ngayon ang isang video sa social media kung saan makikita nga ang komedyante na nakahiga na sa stage at wala nang malay.

Nangyari ang insidente habang nagho-host si Boobay o Norman Balbuena sa tunay na buhay, para sa town fiesta ng Aparri sa Cagayan kasama ang kapwa Kapuso comedian na si Pepita Curtis.

Baka Bet Mo: Boobay hiniling na muling makita ang yumaong ina: Kung hindi puwede, di ako na lang ang pupunta diyan

Base sa napanood naming livestream ng event sa pamamagitan ng Facebook page ni Vice Mayor Rene Chan, nagpapalitan ng punchlines sina Boobay at Pepita on stage habang kumakanta at nakikipagkulitan sa audience.

Makalipas ang ilang sandali, bigla na lang natigil sa pagsasalita si Boobay hanggang sa marinig na nga sa video ang malakas na tunog na parang may tumumba.


At nang ipokus na nga ang camera kay Boobay ay nakitang nasa sahig na ito habang ang kanyang ulo ay nakahilig sa speakers (sound system).

Agad na nilapitan ni Pepita at ng ilang staff ng event ang walang malay na si Boobay. Dito na naputol ang livestreaming.

Makalipas ang ilang minuto, muling nag-on ang livestreaming sa event. Walang makita sa video pero maririnig si Pepita na iniimbita ang audience na panoorin lagi ang mga programa nila ni Boobay sa GMA na “The Boobay and Tekla Show” at “All-Out Sundays.”

Baka Bet Mo: Boy Abunda sa nangyaring ‘pagha-hang’ ni Boobay: There was no indication that he was not feeling well

“Naano lang po siya, na-out of balance,” ang sabi ni Pepita tungkol sa nangyari kay Boobay.

Kasunod nito, muling nagbalik sa stage si Boobay at ipinagpatuloy ang pagho-host sa naturang fiesta.


Sa kanyang X account, nagbigay ng update si Pepita tungkol sa nangyari kay Boobay. Aniya, maayos na ang kalagayan ng kasamahang komedyante.

“Sa mga taga Aparri, maraming salamat po! OK na po si Boobay, nagpapahinga na po dito sa hotel,” ani Pepita.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng seizure si Boobay in public. Matatandaan noong nag-guest siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” (April, 2023) ay bigla na lang siyang natulala at hindi na makapagsalita.

Ayon sa Kapuso comedian, ito raw ang tinatawag na absence seizure, na nakuha niya nang magka-mild stroke noong 2016.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Base sa paliwanag ng Johns Hopkins Medicine, ang seizure ay “burst of uncontrolled electrical activity between brain cells that causes temporary abnormalities in muscle tone or movements.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending