Maine sinampal sa taping..tumumba, nahilo
PINABULAANAN ng Executive Producer ng Destined To Be Yours na si Rebya Upalda, ang lumabas sa Twitter kaugnay ng kuwento sa likod ng sampalan scene na involved si Maine Mendoza.
Walang source ang kuwento na may screen grab pero naka-post ‘yon sa Twitter account ng isang @MAICHARD Defends. Hindi raw sampal ‘yung nangyari dahil patulak sa pisngi ang ginawa kay Meng. Pero malakas daw ang tulak, huh!
“Kumbaga dumapo ung kamay nya sa pisngi patulak, malakas malamang ang pagtulak nya kaya natumba si M,” bahagi ng chika.
“Na-out of balance si Meng kaya napatakbo si Alden Richards sa kanya. Nahilo raw siya. Galit c A kaya paglapit nya sabi ano yung bakit walang double,” dugtong pa sa kuwento.
Nagpaliwanag naman daw ang director kay Alden. Pero sinabihan na huwag ganoon kalakas dahil maliit lang si Meng. Ihip lang daw ng hangin, eh, matutumba na. Kung walang double na makuha, kahit siya pupuwede.
“This is a hoax,” tweet naman ni Rebya sa nag-tag sa kanya ng kuwentong ‘yon. Siyempre siya ang EP kaya mas may alam siya sa nangyayari sa taping, huh!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.