Cristy Fermin sa itsura ngayon ni Tekla: 'Yung pagiging unprofessional nanggagaling sa bisyo 'yan... | Bandera

Cristy Fermin sa itsura ngayon ni Tekla: ‘Yung pagiging unprofessional nanggagaling sa bisyo ‘yan…

Therese Arceo |March 02,2022
facebook
share this

Cristy Fermin sa itsura ngayon ni Tekla: ‘Yung pagiging unprofessional nanggagaling sa bisyo ‘yan…

Therese Arceo - March 02, 2022 - 04:59 PM

Cristy Fermin sa itsura ngayon ni Tekla: 'Yung pagiging unprofessional nanggagaling sa bisyo 'yan...
USAP-USAPAN ngayon ang sigalot sa pagitan mga vlogger-comedian na sina Donita Nose at Super Tekla.

Kaya naman isa sila mga napag-usapan nina Cristy Fermin at ng partner nitong si Romel Chika sa kanyang show na “Cristy Ferminute” nitong Martes, March 1.

Opisyal na kasing naghiwalay ang kanilang tambalan sa kanilang YouTube channel na “Donekla In Tandem” dahil sa kanilang hindi pagkakaunawaan.

Ayon sa kanilang inilabas na vlog ay tila frustrated na si Donita dahil hindi na sila magkasundo ni Super Tekla at palaging siya na lang daw ang nag-e-effort para lamang magkaroon sila ng vlog upload na hinihintay madalas ng kanilang manonood.

Pagtatanggol naman ni Super Tekla sa sarili, pinili na lang raw niyang manahimik dahil daw sa tuwing may suggestion siya para sa vlog ay binabaril lang ito ng kaibigan.

Sey naman ni ‘Nay Cristy, nakakahinayang na nauwi sa ganitong bagay ang pagsasama ng dalawa dahil napakarami na rin ng kanilang subscribers at malaki na rin ang kanilang kinikita sa pagba-vlog.

Kalaunan ay pinansin ni Nay Cristy ang inaasal ni Super Tekla sa naturang vlog nila kung saan pormal nilang inihahayag ang kanilang paghihiwalay ni Donita Nose.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SuperTeklah Librada (@superteklahlibrada)

“Hindi maganda ang itsura ni Tekla ngayon, sa totoo lang,” saad ng kolumnista.

Dito nga ay muling naungkat ang nakaraan ng komedyante na may kaugnayan sa pagkakalulong nito sa bisyo.

“Alam naman natin na meron siyang pinagdaanan, na ‘yung bisyo na ‘yun ay dapat niyang bitawan. Sana ay tuloy-tuloy na. Kasi kadalasan, ‘yung pagiging tamad, walang disiplina at pagiging unprofessional, nanggagaling sa bisyo yan,” sabi pa ni ‘Nay Cristy.

Kwento ng kolumnista, noon pa man daw ay may problema na si Super Tekla sa pagtatrabaho. Ito nga rin daw ang dahilan kung bakit niligwak ang komedyante sa show ni Willie Revillame noon.

Dagdag pa niya, “Sa bisyo ‘yan. Kahit ano pa ang gawin, tatatak at tatatak pa rin ‘yung katamaran. ‘Yung kawalan ng disiplina, sa bisyo pa tin ‘yan e. Dapat, kung gusto niya talagang magseryodo sila ni Donita at gusto rin ni Donita na magseryosohan sila ni Super Tekla, bigayan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kabila naman ng nangyayari ay hangad pa rin nila na manatiling maayos ang pagkkaibigan ng dalawa sa kabila ng kanilang paghihiwalay sa pagba-vlog.

Related Chika:
Donita Nose sa fans ni Tekla: Huwag n’yo naman akong durugin, hindi n’yo alam ang hirap ko!
Donita Nose masamang-masama ang loob kay Tekla: Nakakadurog ng pagkatao…ibinigay mo na lahat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending