Donita Nose masamang-masama ang loob kay Tekla: Nakakadurog ng pagkatao...ibinigay mo na lahat Bandera

Donita Nose masamang-masama ang loob kay Tekla: Nakakadurog ng pagkatao…ibinigay mo na lahat

Ervin Santiago |March 01,2022
share this

Donita Nose masamang-masama ang loob kay Tekla: Nakakadurog ng pagkatao…ibinigay mo na lahat

Ervin Santiago - March 01, 2022 - 07:59 AM

Super Tekla at Donita Nose

SAYANG na sayang ang pagkakaibigan at pagsasama bilang “business partners” ng mga komedyante at vloggers na nina Super Tekla at Donita Nose.

Makalipas kasi ang isang taon mula nang magsama sila sa iisang bahay, inamin ng dalawang komedyante ang pagkabuwag ng kanilang partnership nang dahil sa joint YouTube channel nilang “Donekla In Tandem” na may 3.21 million subscribers na ngayon.

Nitong nagdaang Feb. 18, nag-livestream sina Tekla at Donita para ipaalam sa nga fans at subscribers nila ang tunay na estado ng kanilang samahan. 

“Ngayon, twice pa lang kami nag-usap uli. Pero two weeks, three weeks di kami nag-uusap. Magkasama kami sa bahay, hindi kami nagpapansinan, hindi kami nag-uusap, as in wala talaga.

“Hanggang sa nakalipat na kami sa kanya-kayang bahay namin. Wala talagang usap,” pahayag ni Donita Nose na umamin ding umalis sila sa tinitirhang bahay nang hindi sila nag-usap man lang.

Masamang-masama raw talaga ang loob niya kay Tekla dahil hindi nga natupad ang usapan nila na mananatili sa bahay nila kahit ano pa ang mangyari.

Kuwento pa ni Donita, “Dumating sa point na umayaw na ako. Wala kaming upload (sa YouTube channel namin). Hindi kami nag-uusap kasi sumama na yung loob ko sa kanya dahil kasi lilipat po kasi kami ng bahay talaga.

“Gusto namin bahay na maayos, yung makakapag-vlog kami. Kasi, dun sa isang bahay namin, medyo istrikto talaga dun. Di kami maka-vlog sa labas kasi nga naiingayan yung mga kapitbahay.

View this post on Instagram

A post shared by Donita Nose (@donitanose)


“Four days akong nag-ikot. Four days naghanap ako ng bahay kasama itong editors namin. Kung saan-saan ako nag-ikot.

“Siya nasa bahay lang. Nandu’n lang siya. Taga-report lang ako, ‘Eto, may nakita akong bahay.’ Sabihin lang niya sa akin, ‘O, sige, ikaw na bahala diyan.’ So, du’n pa lang, ako na naman. Ako na lang lagi,” sumbong pa ni Donita.

Ikinagulat daw niya na hindi pinirmahan ni Tekla ang kontrata para sa bagong bahay na napili niya, “So, tinanong ko siya, ‘Bakit di mo pinirmahan?’ Ang pinakamasakit narinig ko at nag-message siya sa akin, sabi niya na-try na raw namin magsama sa isang bahay sa loob ng isang taon, ‘Pero wala namang nangyari.’

“Nakakadurog ng pagkatao. Binigay mo lahat. Inihain mo na lahat, kahit utak mo dumudugo na sa pag-iisip at hirap. Ang dami ko shinare sa sarili ko. Pero sasabihan mo lang ako ng walang nangyari?” ang masamang-masama ang loob na kuwento pa ni Donita habang nasa tabi lang niya si Tekla at nakikinig.

“Masakit sa akin kasi halos ako na lahat, e. Tapos walang nangyari? Unfair naman yata sa akin yun, di ba?’ Sa totoo lang, si Tekla pagdating sa trabaho, pagdating sa vlog namin, di siya professional. May katamaran.

“Ite-text ko na lang, ‘Pupunta tayo sa ganito, dito tayo magbla-vlog.’ Marami pa siyang dahilan. ‘Di ako puwede.’ Teh, ako na naghanap, pupunta ka na lang. Magba-vlog na lang tayo. Ba’t di mo kaya ibigay sarili mo? Kasi ako, binibigay ko lahat sa akin, e.

“Di nga ako nag-upload sa channel ko madalas kasi nagpokus ako sa ating dalawa, dahil madami nagmamamal sa ating dalawa.

“Sayang yung 3 million subscribers. Pero ako lang palagi? Isang taon na nga yung nangyari,” sey pa ni Donita na bina-bash pa ngayon ng mga fans ni Tekla dahil sa pambubuking niya sa kanyang partner.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang paliwanag ni Tekla…that’s another story to tell.

Matapos masangkot sa iskandalo…Tekla at Michelle nagkabalikan na?

Sharon na-shock nang malaman ang tunay na problema sa ilong: Sabi ng doktor, ‘it was horrible’

Donita Rose napilitang pumunta sa US dahil sa kawalan ng trabaho sa Pinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending