Kokoy, Elijah may chance magkagustuhan in real life? Bandera

Kokoy, Elijah may chance magkagustuhan in real life?

Reggee Bonoan |July 30,2021
share this

Kokoy, Elijah may chance magkagustuhan in real life?

Reggee Bonoan | July 30, 2021 - 05:46 PM

Tiyak na magugulat ang mga makakapanood ng “GameBoys: The Movie” nina Kokoy De Santos at Elijah Canlas na mapapanood ngayon sa KTX.ph dahil unlimited kissing scene as in to the max plus may love scene na sila bago sila maghiwalay with matching use of condom na talagang ikinagulat namin.

Ang ganda ng pagkaka-shot ni Direk Ivan Andrew Payawal na pakiramdam namin ay enjoy na enjoy siya habang kinukunan ang kissing scene at love scene at ayaw na niyang mag-cut.

Feeling din namin kina Elijah at Kokoy na hindi na sila kinoach dahil ang suwabe at natural. Kaya habang pinapanood namin ay iniisip naming nadala na sila sa eksena.

Wala naman daw awkwardness sa dalawang aktor nu’ng gawin nila ang mga eksena dahil kumportable na sila sa isa’t isa at ikalawang “Gameboys” na ito, nagkataon lang na mas daring itong sa pelikula.

Tinanong si Elijah kung ano ang reaksyon ng magulang niya, “sa totoo lang po bago magsimula itong mediacon ay nilapitan po ako ng mama ko at binati ako at worth it daw ‘yung ginawa namin. Sabay sila ni papa na nanood, pero mukhang may tampuhan sila kaya wala pang comment po.”

Wala naman kaming naintindihan sa sinabi ni Kokoy sa kung ano ang komento ng magulang niya dahil nagla-lag siya kaya niloloko siya ni Ogie Diaz na magpa-upgrade na siya ng mbps.

Ang tanong pa sa dalawa ay posible bang matuluyan na sila sa karakter nilang Cairo at Gavreel sa totoong buhay.

Speechless pareho sina Kokoy at Elijah pero kahit daw wala sila sa harap ng kamera ay nasanay na silang ‘baby’ ang tawagan nila pero mahal nila ang isa’t isa bilang magkaibigan.

Sa tanong kung okay sa kanilang tumanggap ng BL project na hindi sila ang magka-partner.

Say ni Elijah, “basta si Direk Ivan pa rin, same production team din, ha, haha. Parang ayaw maghiwalay. Depende po ‘yan kina Direk Perci (Intalan), sila po ang nakakaalam kung anong maganda po sa amin.”

Anyway, streaming na ang Gameboys sa KTX.ph produced ng IdeaFirst Company at kasama rin sina Kyle Velino, Kych Minemoto, Miggy Jimenez at Adrianna So.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending