Viral bardagulan nina Boobay at Karen sa Extra Challenge totohanan

Karen delos Reyes at Boobay
HINDI scripted ang bardagulan at talakan ng Kapuso host-comedian na si Boobay at ni Karen delos Reyes sa isang episode noon ng Kapuso reality show na “Extra Challenge.”
Palagi naming napapanood ang viral video na ito nina Boobay at Karen sa TikTok at Facebook na kuha nga sa dating show ng GMA 7 na “Extra Challenge” hosted by Marian Rivera.
Base sa mga nababasa naming comments, parang scripted naman daw ang pag-aaway ng dalawa sa show pero ang palagi naming isinasagot sa mga nagtatanong, totoong nagkapikunan ang dalawa habang sinu-shoot nila ang naturang episode.
Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kay Boobay, kinumpirma nitong totoo ang naganap na talakan sa pagitan nila ni Karen nang mag-guest ito sa “Extra Challenge” nila ni Marian.
“Yes po Tito Boy, na hindi ko rin ini-expect (ang away nila ni Karen),” ang pag-amin ni Boobay nang tanungin tungkol sa naturang eksena.
Kuwento ni Boobay, nangyari raw ang bardagulan nila ni Karen noong 2012, nang maging co-host siya ng kanyang BFF na si Marian Rivera sa show.
View this post on Instagram
Sinadya raw talaga niyang maliin ang pagtawag sa apelyido ni Karen na ginawa niyang “delos Santos” sa halip na “delos Reyes.”
Sey ng komedyante, nais lamang niyang biruin si Karen noon, na sumikat sa isang fast food commercial kung saan tinatawag ang aktres ng kanyang lolo na “Gina” sa halip na “Karen.” Yun daw ang hugot ng joke ni Boobay.
“Ako tinray ko naman na i-feed siya sa apelyido naman, ang in-expect ko na sasabihin niya, ‘delos Reyes po’ (mahinahon ang pagkabigkas),” paliwanag ni Boobay.
Pero hindi nga ganu’n ang nangyari, sa halip napikon sa kanya si Karen at galit na isinigaw ang apelyido niyang “delos Reyes” bilang pagkokorek kay Boobay. Nauwi nga sa away ang eksena na talagang ipinakita sa naturang episode ng “Extra Challenge.”
Nang akmang magpipisikalan na ang dalawa ay umawat na mismo si Marian pati na ang ilang staff ng programa
“‘Yun ang first break ko rin, sabi ko ‘Ay hindi ako papayag. Lalaban ako,'” ani Boobay.
“Okay na kami, we’re good friends,” ang sey pa ni Boobay tungkol sa “past” nila ni Karen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.