Rebelasyon ni Louise delos Reyes sa relasyon nila noon ni Alden Richards: 'Kapag nag-aaway kami, para kaming magdyowa' | Bandera

Rebelasyon ni Louise delos Reyes sa relasyon nila noon ni Alden Richards: ‘Kapag nag-aaway kami, para kaming magdyowa’

Ervin Santiago |November 15,2023
facebook
share this

Rebelasyon ni Louise delos Reyes sa relasyon nila noon ni Alden Richards: ‘Kapag nag-aaway kami, para kaming magdyowa’

Ervin Santiago - November 15, 2023 - 07:42 AM

Rebelasyon ni Louise delos Reyes sa relasyon nila noon ni Alden Richards: 'Kapag nag-aaway kami, para kaming magdyowa'

Louise delos Reyes at Alden Richards

BINALIKAN ni Louise delos Reyes ang  panahon noong magka-loveteam sila ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa GMA 7.

Marami ang nag-aakala na nagkaroon ng “something” sina Louise at Alden, lalo na nang magsama sila sa mga Kapuso series na “One True Love” (2012) at “Mundo Mo’y Akin” (2013).

Kaya naman nang ma-interview ang aktres na bibida sa latest horror movie ng Viva Films na “Marita”, sa “Cristy Ferminute” nitong nagdaang Lunes, November 13, ay natanong siya tungkol sa “past” nila ni Alden.

Diretsahang tanong ng premyadong TV-radio host na si Cristy Fermin kay Louise, “Curious lang ako. Noon bang magkasama kayo ni Alden, was there ever a time na naging close kayo at nagparamdam siya sa ‘yo na, alam mo na, manliligaw sa ‘yo or nagkagustuhan ba kayo?”

Baka Bet Mo: Kim delos Santos matinding pambu-bully ang naranasan bilang nurse sa US: Iniiyakan ko siya…

“Parang wala pong ganoon. Pero ‘yung close as in close na pinapayagan kami ng Mom ko. Kasi sa sasakyan ko before, mayroong single bed.

“So, kapag hinahatid namin si Alden before kung saan siya sasakay pauwi ng Sta. Rosa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Louise delos Reyes (@louise.dr)


“So, minsan magkatabi kami. Pero, I think kasi, alam na namin before pa na platonic ‘yung friendship namin,” sagot ni Louise.

Baka Bet Mo: Louise delos Reyes enjoy na enjoy manakot; ipakikilala sa mga Pinoy ang mapaghiganting multo ni ‘Marita’

Pagpapatuloy pa niya, “Kahit magka-love team kami, nandoon ‘yung relationship namin sa isa’t isa. And at the same time kapag nag-aaway kami, para kaming magdyowa.

“Pero alam mo ‘yun, magbabati kami. Tapos magiging okay na lahat. And kapag may problema siya ganoon din siya sa akin,” ang rebelasyon pa ng aktres.

Sa ngayon ay super proud daw si Louise sa mga achievements ni Alden at alam daw niya noon pa na malayung-malayo ang mararating ng aktor sa entertainment industry dahil sa sipag at dedikasyon nito sa trabaho.

Biro nga ni Louise, kung hinahatid daw nila noon si Alden sa sakayan nito pauwi sa Sta. Rosa, ngayon ay kering-keri na nito na ihatid siya sa bahay nila gamit ang helicopter.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod sa “One True Love” at “Mundo Mo’y Akin”, nagkasama rin ang dalawa sa mga GMA shows na “Alakdana” (2011) at “Tween Academy: Class of 2012” (2012).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending