Kim delos Santos matinding pambu-bully ang naranasan bilang nurse sa US: Iniiyakan ko siya... | Bandera

Kim delos Santos matinding pambu-bully ang naranasan bilang nurse sa US: Iniiyakan ko siya…

Ervin Santiago |July 18,2021
facebook
share this

Kim delos Santos matinding pambu-bully ang naranasan bilang nurse sa US: Iniiyakan ko siya…

Ervin Santiago - July 18, 2021 - 09:11 AM

WALANG pinagsisisihan ang dating Kapuso actress na Kim delos Santos sa maaga niyang pagku-quit sa mundo ng showbiz.

Mas pinili kasi ni Kim ang hanapin ang swerte niya sa Amerika noong mga panahong nagdesisyon silang maghiwalay ng ex-husband niyang aktor din na si Dino Guevarra.

Ayon kay Kim, kahit na matitinding pagsubok din ang hinarap niya sa US noong unang mga taon niya roon ay hindi siya nagsisisi na iniwan niya ang pag-aartista.

Maraming naging work si Kim sa Amerika, una na nga riyan ang pagtatrabaho niya sa isang restaurant ngunit hindi raw siya nagtagal doon kaya humanap uli siya ng bagong pagkakakitaan.

Nagtrabaho rin siya bilang receptionist sa isang kumpanya at naging tagalagay din ng ID cards sa mga envelope. Hanggang sa maging nurse na nga siya roon na tinawag niyang “biggest struggle” sa kanyang buhay sa US dahil sa naranasang diskriminasyon.

“They would call me names regarding my weight. I used to cry. I stepped off the floor. I talked to my boss, crying,” pahayag ni Kim sa panayam ng “Tunay Na Buhay” sa GMA.

Pero sa kabila nga nito, sinabi niyang “no regrets” ang pag-alis niya sa showbiz, “I think its halfway knowing who you are. Always remember to be humble.

“That past is like my Fantasy Island. Like, sometimes, I ask myself: Was I really a celebrity?’ Then, when I look at my old stuff, I say ‘Is this really me?'” aniya pa.

Sa ngayon, maayos na ang buhay niya roon bilang nurse at muli ngang bumalik sa pag-aaral para maging official psychiatric mental health nurse practitioner. 

* * *

Speaking of Dino Guevarra, natanong din si Kim delos Santos kung naka-move on na ba siya sa paghihiwalay nila noong 2004.

Oo naman daw, sa katunayan makalipas ang isang taon nang paninirahan sa US ay nagkaroon na siya ng boyfriend at tumagal din ng 10 taon ang relasyon nila.

Ayon kay Kim, kung magkakaroon ng offer na pagsamahin uli sila ni Dino sa isang project ay tatanggapin niya, “I haven’t spoken to Dino yet, but I was asked one time if I would work with him. I said ‘Yeah.’ Before, I would have said no. I still had some hard feelings.

“But now, I would say yes, if you want. When the day comes that I get an offer that I can actually commit to, I said, I’m fine with working with him,” aniya pa.

“We were both kids. I was young, in love and not yet ready, to be honest. You know? I was at that age when you think that you already know everything but you really know nothing,” pahayag pa niya tungkol sa paghihiwalay nila ni Dino.

Kasunod nito, nabanggit nga ng dating aktres na single na single siya ngayon matapos mapurnada ang engagement nila ng dating partner. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I concentrated on myself. Just self love. So now, if someone comes along, I’m ready,” chika pa ng dating Kapuso star.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending