Paolo Benjamin ng Ben&Ben nag-propose na sa GF: ‘Tomorrow with you, my dear’
DALAWANG buwan matapos ikasal ang dalawang miyembro ng Ben&Ben na sina Patricia Lasaten at Agnes Reoma, mukhang susunod na rin ang ka-banda nilang si Paolo Benjamin.
Nag-propose na kasi Paolo sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Maria Rachel!
Sa Instagram ibinandera ng bokalista ang video na ipinapakita ang memorable day, kalakip ang background music na “Tomorrow With You” ng banda.
Naganap ang sorpresa sa isang malawak na garden at mapapanood na walang kaalam-alam ang girlfriend ni Paolo, pero nang makapasok na sila sa venue ay tila alam na ni Rachel kung ano ang mangyayari kaya makikita na may pagtulak siya sa boyfriend.
Baka Bet Mo: Ben&Ben matapos maka-jamming si Ed Sheeran: ‘Beyond our wildest dreams!’
Kasunod niyan ay lumuhod na nga ang bokalista upang alukin ng kasal ang partner.
Obvious naman na nag-yes si Rachel dahil ipinakita rin ang pagsuot nito ng singsing.
Bandang huli ay todo-flex ang couple sa engagement ring na nasa kamay na ni Rachel.
Ang caption sa post ni Paolo, “Tomorrow with you my dear. thank u for saying yes [smiling face with hearts emoji].”
View this post on Instagram
Sa comment section, agaw-pansin ang pagbati at pang-aasar ng ilang miyembro ng Ben&Ben.
“Fave part ko yung may pagtulak haha [heart, sunflower emojis] cute nyooooo,” sey ng bassist na si Agnes.
Humirit din si pat na ang sabi ay, “Ang classic naman nung tulak hahahahaha congrats guys!!”
Nagkomento rin ang kakambal at kapwa-bokalista na si Miguel: “[heart hands emojis] LETSGOOOOOOO.”
Ilan pa sa mga celebrities na nagpaabot ng “congratulatory” messages ay sina Moira Dela Torre, Marian Rivera, Inka Magnaye, at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.