Louise delos Reyes enjoy na enjoy manakot; ipakikilala sa mga Pinoy ang mapaghiganting multo ni ‘Marita’
ENJOY na enjoy si Louise delos Reyes sa paggawa ng horror movies kahit na sa totoong buhay ay talagang matatakutin siya at madaling maapektuhan ng mga scary stories.
Pagkatapos ng blockbuster at award-winning movie na “Deleter” at ng Viva One original suspense thriller series na “Deadly Love”, bibida uli si Louise sa latest horror film na, “Marita” kasama si Rhen Escaño.
Ayon kay Louise, “The truth is that this is the type of project that really excites me now. Kasi before, wala akong ginawa kundi magpaiyak sa soaps.
“Personally, matatakutin ako, but I now enjoy scaring people. Masaya makitang nagsisigawan sila sa loob ng sinehan,” aniya pa sa nakaraang presscon ng “Marita” na idinirek ni Roni Benaid, na siya ring nasa likod ng matagumpay na horror film na “Mary Cherry Chua.”
Gaganap si Louise sa “Marita” bilang si Sandra, isang teacher na naatasan sa kanilang school na buhayin ang theatre group na Sinag Diwa para sa mga estudyanteng nangangarap maging artista sa teatro.
Ito ang magiging dahilan ng sunud-sunod na kababalaghan sa kanilang paaralan, na pinaniniwalaang gawa ni Marita, ang namatay na theater actress at estudyante sa nasabing school.
“At first, ayokong maniwala sa multo but while we are rehearsing, strange things start to happen at lahat kami ay inisa-isa niyang multuhin,” pagbabahagi ni Louise about her character.
Paano siya nag-adjust sa pagganap bilang teacher sa mga teen stars ng Viva Artists Agency? “Okay naman. But I have to change my voice kasi medyo mataas ang boses ko, may pagkabungisngis ako. So I have to remind myself to modulate and lower my voice at bawal bumungisngis as their class teacher.”
Baka Bet Mo: Kim delos Santos matinding pambu-bully ang naranasan bilang nurse sa US: Iniiyakan ko siya…
Pagpapatuloy pa niya, “I’m really thankful to Viva for giving me the chance to work with new and young directors, like Mikhail Red in ‘Deleter’, Roman Perez Jr. in ‘The Housemaid’, Derrick Cabrido in ‘Deadly Love’ and now, Direk Roni Benaid in ‘Marita’.
“I’m really glad that Viva keeps on giving breaks to new and young filmmakers. Iba-iba sila ng approach and style, but they are all very talented.
“Si Direk Roni, he collaborates. Since he also wrote the screenplay, I tell him when I don’t feel comfortable with my lines and if I could reword it in a way na mas magiging effective for me to deliver them.
View this post on Instagram
“Okay naman sa kanya, he’s very open minded and he really knows what he is doing in scaring the viewers,” kuwento pa ni Louise.
Baka Bet Mo: Louise delos Reyes wapakels sa mga kumukwestiyon sa pelikulang ‘Deleter’: Kebs!
Samantala, kilalanin ang bagong mukha ng kilabot at katatakutan – si “Marita”.
Nakilala si Marita bilang isa sa pinakamahusay na artista sa teatro na tinatanghal sa unibersidad. Nang nagsidating ang mga mas batang estudyante na mahusay rin sa pag-arte, hindi ito ikinatuwa ni Marita.
Kakumpetensiya ang turing niya sa kanila, at totoo namang naging matamlay ang kanyang kasikatan dahil sa kanila. Kaya sa isang pagtatanghal, sinigurado ni Marita na magmamarka ang kanyang huling pagganap. Nagpakamatay siya sa harap ng mga manonood.
Ipinagmamalaking ihandog ng Viva Films ang kwento ni Marita sa pelikulang mula sa panulat at direksyon ni Roni Benaid, na siya ring direktor ng pumatok na supernatural horror thriller, “Mary Cherry Chua”.
Mapapanood sa mga sinehan ngayong November, ito ay pagbibidahan nga nina Louise delos Reyes bilang si Sandra na bagong propesor sa College of Arts, Ashtine Olviga bilang Cristina, at si Rhen Escaño sa title role na “Marita”.
Matapos ang ilang taon, gustong buhayin muli ang official theater group ng unibersidad at si Sandra ang naatasan para buuin ito. Agad siyang nagpatawag ng audition na dinaluhan ng mga freshmen at sophomore students. Muling binuksan ang Socorro Hall para sa kanilang pagtatanghal.
Napili na ang mga aktor. Sinimulan na ang mga workshop. Inihahanda na ang produksyon. Pero may pumipigil na matuloy ito.
Ang napiling bida na si Cristina ay nakakarinig ng boses habang nag-eensayo siya ng kanyang mga linya. Minsan ay may namataan pa siyang isang babae. Ang mga props ay nagsisiwalaan at nasisira. Sunud-sunod ang mga aksidenteng nagaganap.
Narinig na noon ni Sandra ang tungkol sa multo ni Marita pero hindi niya ito pinansin. Ngayon, kailangan na niya itong seryosohin dahil mas tumitindi ang pinsalang nangyayari. Gagawin ni Marita ang lahat para magbalik sa kanya ang atensyon ng lahat. Ngayon, hindi lang ang produksyon ang nakasalalay, kundi mga buhay.
Para kay “Marita”, tuloy ang sumpa! Kaya ‘wag na wag itong palalampasin sa mga sinehan simula sa November 22.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.